tmwcbm • chapter 10

429 14 6
                                    

Maybe you won't mean to but you'll see me on the news
And you'll come running to the corner
'Cause you'll know it's just for you
I'm the man who can't be moved
I'm the man who can't be moved...

~*~

JIMIN

"We're now heading to Incheon International Airport. Thank you for trusting Cebu Pacific Airlines. May you have a nice trip!"

Tiningnan ko ang relo ko.

23:11.

Agad akong bumababa ng eroplano.

Hindi tulad sa Pinas. Dito sa Korea halos balutin mo na ang katawan mo sa sobrang lamig.

Bumuntong hininga ako habang naglalakad papalabas ng airport.

Babalik na ko. Kung saan talaga ako isinilang. Kung saan ako nararapat.

Dito sa Korea.

Iiwan ko na lahat ng sakit. Pero mananatili pa rin ang masasayang alaala natin.

...alaala natin Jungkook.

"Bakit kasi ang tanga ko?" sabi ko sa isip ko kasabay ng pagbagsak ng luha ko.

Dalawang taon na. Ganito pa rin ako. Umiiyak sa tuwing naaalala kita.

Ang unfair mo, Jungkook! Sabi mo mahal mo ko. Pero bakit ganun? Bakit mo ko iniwan?

Sumakay na ako ng taxi. Makikitira muna ko sa Lolo at Lola ko.

Kinalma ko muna ang sarili ko at pinunasan ang luha ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at may 2 message. Galing kay Yoongi at Mama.

From: Mama

Anak. Ingat ka diyan. Inform mo ko kung nakarating ka na diyan. I love you anak.

To: Mama

Papunta palang po ako sa bahay nila Lola. I love you too mama.

Sunod kong tiningnan ang text galing kay Yoongi.

From: Yoongi

Jiminnie~ take care of yourself 아 라서? Wag kang magpapagutom. Text mo ko kung nakarating ka ng safe sa Korea ha? Or else pupuntahan kita diyan! 사랑해요 my Jiminnie.

To: Yoongi

I'm safe. Wag kang mag-alala. 나도 사랑해 Yoongi-ah :) okay lang ako dito. Wag ka ng sumunod. ㅋㅋㅋ

Nilagay ko na sa bag ko ang cellphone ko at tinuon ang mga mata ko sa may bintana ng taxi.

Kitang-kita ko ang mga ilaw sa labas na animo'y masayang nagkikislapan.

Bigla nanamang pumasok sa isip ko si Jungkook.

"Sigurado na kung andito ka pa, hindi ko kailangang iwan yung mga nagmamahal sa akin sa Pilipinas."

THIRD PERSON

"Anong nangyayari?"

Tumakbo si Jimin papalapit sa mga nagbubuhat kay Jungkook.

"A-anong, a-ano pong n-nangyari?" tanong niya sa mga ito.

"Nabaril po siya. Kani-kanina lang. Napag-alaman na napagtripan siya ng mga adik sa kanto." sabi ng rescuer.

Agad napaluhod si Jimin sakaniyang mga narinig.

Dineretso sa ER si Jungkook upang iexamine.

Dead on arrival na siya, sabi ng mga doktor.

Tanging ang iyak at hagulgol lang ni Jimin ang maririnig mo sa buong kwarto.

"Jungkook! Lumaban ka! Mahal kita!" sabi nito habang umiiyak.

"Clear!"

"Clear!"

Ilang ulit na ginawa iyon ng doktor ngunit...

"We're sorry." yan na lamang ang kanilang nasabi.

Time of Death: 11:45 pm
Date: November 19, 20**

Oo, namaalam na si Jungkook.

~*~
date updated: 161119
bagong update kase birthday ni author HAHAHAHAH magdiwang kayo mga bes. dejk. salamat sa pagsuporta! happy 200 reads~~~ labyaaaah

the man who can't be moved » jjk x pjm (jikook)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon