tmwcbm • epilogue

553 15 1
                                    

Going back to the corner where I first saw you
Gonna camp in my sleeping bag, I'm not gonna move...

JIMIN

10 taon na ang nakalilipas.

Marami na ang nangyari.

Marami na akong napagdaanan.

Lalong lalo na sa pag-ibig.

Paulit-ulit akong nabigo sa isang taong minahal ko ng todo.

Ang kauna-unahang pagkakataong tumibok ang puso ko para sa isang tao. Yun ang pinakamasayang araw na pangyayari sa buhay ko.

Minahal kita ng totoo. At patuloy pa rin kitang minamahal ngayon.

Oo, Jungkook hindi kita kailanman kalilimutan.

Hinding-hindi mawawala amg pagmamahal ko sayo.

Pero sabi nga ng iba, kung may aalis, may darating.

Sa sampung taon ba namang nakalipas,

Marami na akong napagdaanan, na dapat magkasama tayong harapin pero, ganun talaga.

Iniwan mo kasi ako.

Pero hindi ako nagagalit sayo, in fact nagpapasalamat ako sayo kasi kung hindi dahil sayo hindi ako magiging matapang.

Maraming salamat sa pagiging parte ng buhay ko.

"Daddy~" tawag sa akin ng anak ko.

Oo may anak na ako. May asawa na din ako.

Nakakatuwa nga na yung babaeng magpapatibok pala ng puso ko ay yung kapatid mo?

"Baby! Halika dito, wag kang pasaway. Hahaha" saway sakaniya ni Jungrae.

Ang asawa ko.

"Anlaki na ng anak mo oh! Haha! Kamukhang-kamukha mo!" aniya ng nakingiti.

Napakaganda talaga ng asawa ko. Kung titignan mo siya, hawig na hawig talaga siya ni Jungkook.

Sa mga napagdaanan ko sa buhay, marami akong aral na natutunan.

Pagmamahal ng wagas.

Paghihintay.

Pagpaparaya.

At ang pinakatumatak sa akin ang,

Pagmomove on. Hindi ka makaaabante sa panibagong hakbang ng iyong buhay kung patuloy mong kinikimkim ang nakaraan.

Siguro ang mga nangyari noon ay parte na lamang ng kabataan ko pero mananatili yong alaala na may magandang pangyayaring iniwan sa akin.

Hindi selfish ang mundo kaya dapat hindi rin tayo magdamot. Pahalagahan mo ang kung anong meron ka ngayon dahil once na mawala yan, tsaka mo lang pagsisisihan ang lahat.

Biglang bumagsak ang ulan kaya naman hinabol ko ang mag-ina ko para sumilong.

"Ayan basa ka na tuloy, baby!" sabi ni Jungrae habang pinupunasan ang anak namin.

"Mommy, ang ganda ng ulan!" manghang-manghang sabi ng anak ko.

"Kasing ganda ng mommy mo." pagbibiro ko.

Tumawa lamang si Jungrae. Biglang tumakbo ang anak namin sa may ulanan at doon nagtampisaw.

"Jungkook!" tawag ni Jungrae sa kaniya.

Oo, Jungkook ang pangalan niya ng anak namin.

~*~

date updated: 161215
its done :) noteu ko next chapter huehue basahin nyo fo ples? lavyo.

the man who can't be moved » jjk x pjm (jikook)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon