So I'm not moving, I'm not moving...
~*~
JUNGKOOK
Pupunta akong mall ngayon dahil may pinapabili ang kapatid ko saakin.
Kailangan daw niya sa school. Syempre mabait naman akong kuya kaya pinagbigyan ko na. Tutal, wala rin akong gagawin ngayong araw.
Lumabas na ako ng bahay namin at inihanda ang motor ko.
Nilagay ko na ang helmet ko at sa di kalayuan, natatanaw ko nanaman sya.
May dala siyang mga libro. Naghihintay ata sya ng masasakyan. Baka papasok na siya sa school.
Napangiti ako,
Ang cute niya kasi.
Pinaandar ko na ang motor ko at huminto ako sa harap niya.
"Sakay ka na. Hahatid na kita." sabi ko ng hindi nakatingin sakanya.
Matagal pa hanggang sa napasakay ko siya sa motor ko. Siguro nagdadalawang isip pa siya.
"Eto, sayo na tong helmet ko." sabi ko habang sinusuot ko ang helmet ko sakanya.
Kinuha ko ang kamay niya at pinulupot sa bewang ko.
"Kumapit kang mabuti." nakamgiti kong sabi sakanya.
Tahimik ang buong byahe, walang nagsasalita. Hindi kami nag-uusap.
Pero sana palagi nalang walang dumadaan na sasakyan doon, para kahit dito man lang maramadaman ko pa rin ang yakap ng taong mahal ko.
Nakarating kami sa parking lot ng school niya. Walang tao. Kaming dalawa lang. Bumaba na siya sa motor, gayundin ako.
"S-salamat Jungkook." sabi niya ng hindi nakatingin sakin.
Lumapit ako sakanya at sinimulang tanggalin ang helmet.
Nang natanggal ko na iyon ay nagtama ang tingin naming dalawa.
Para bang nagslow mo nanaman ang mundo ko ng dahil sakanya.
Mabilis ang tibok ng puso ko.
Hindi ko namalayan na dumampi na ang labi ko sa mga labi nya. At ang mas kinagulat ko ay humahalik din siya pabalik.
Wala akong pakialam sa kung anong ginagawa ko ngayon, ang alam ko lang...
Mahal ko ang taong to, at hinding hindi ako magsasawang mahalin pa siya.
"Mahal na mahal kita, Jimin-ah~"
~*~
A6UST_D
date updated: 16090guys, mbc show champion in mnl and i'm teambahay (ಥ_ಥ) jusq, sinong teambahay din diyan? tara iyaq (ಥ_ಥ)💔
BINABASA MO ANG
the man who can't be moved » jjk x pjm (jikook)
Fanfiction"how can i move on when i'm still inlove with you?" [ bangtan series #1 ] All Rights Reserved © 2016 -wingsyub-