tmwcbm • chapter 4

510 27 5
                                    

And your heart starts to wonder where on this earth I could be
Thinking maybe you'll come back here to the place that we'd meet
And you'll see me waiting for you on the corner of the street...

~*~

JIMIN

Walang text.

Walang tawag.

Kanina ko pa siya hinihintay. Pero wala talaga. Halos dalawang oras na akong naghihintay dito.

Hindi ko alam, hindi ko sigurado na darating siya.

Sinabi ko sakaniya na tapusin na namin to.

Ayoko na.

Pagod na ko.

Simula ng dumating siya galing sa bakasyon nila,

Nawalan na siya ng oras sakin.

Hindi na siya yung Jungkook na minahal ko.

Kaya kahit masakit,

Bibitaw na ko.

Para saan pa na ipagpatuloy pa namin tong relasyon na wala ng patutunguhan?

Hindi ba't wala na siyang oras sakin, hindi na rin siya nageeffort tuwing monthsarry namin, hindi man lang niya ako kamustahin kahit sa text o tawag lang at isa pa, sinabi niya na rin naman na wag ko na siyang pakialaman.

Sapat na dahilan na naman yun para sumuko ako diba?

Tama naman ang naging desisyon ko diba?

Lumipas pa ang isang oras pero wala talaga siya.

Walang Jungkook na dumating.

Paalis na sana ako ng biglang may humawak sa braso ko.

“Aalis ka na agad?”

Ang boses niya.

Ang boses na kanina ko pa hinihintay.

Humarap ako sakaniya at tumingin sa mga mata niya.

Yung mata niya na dati puno ng saya pero ngayon puro kalungkutan na.

Ano bang iniisip mo Jungkook?

“Bakit mo ko pinapunta?” tanong niya. Malamig na tanong niya.

“Ano... A-ayoko na. Itigil n-na natin t-to. I-i'm breaking u-up with y-you.” pagkatapos kong sabihin ang mga salitang yon, agad akong kumawala sa pagkakahawak niya at tumakbo paalis.

Kailangan ko na kasing umalis, tutulo na kasi luha ko anytime.

At di ako nagkamali, tumulo na nga ang mga traydor kong luha.

Ginusto ko naman to, pero bakit ako nasasaktan?

Nasasaktan ako sa sarili kong kagustuhan?

Wow Jimin. Wow. Ikaw na ang pinakamartyr na tao sa mundo.

Patuloy akong tumakbo kung saan habang tumutulo ang mga luha ko. Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan. Hindi ko inaasahan na aabot kami sa puntong ganito.

Yung panahong susuko rin ako, kahit na mahal na mahal ko pa siya...

JUNGKOOK

Tumingin ako sa may bintana.

Umuulan kasi.

Sa totoo lang, simula ng nagbreak kami ni Jimin. Ayoko na ng ulan. Ayoko na ng umuulan.

“Ano... A-ayoko na. Itigil n-na natin t-to. I-i'm breaking u-up with y-you.pagkasabi niya nun, ay tinanggal na niya ang pagkakahawak ko sa braso niya at tumakbo palayo.

Hindi ko alam kung anong nangyari. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

Ano bang maling ginawa ko?

Ano bang naging pagkukulang ko?

May kung anong tumulo sa may pisngi ko. Tumingala ako. Nagsisimula ng umulan. Nang tuluyang bumagsak ang ulan, bumagsak na rin ang mga luha ko.

Mahal ko si Jimin.

Pero hindi ko naipakita.

Oo, alam ko na ang dahilan.

“Napagod na siya sa kakaintindi sayo, Jungkook.”

~*~
A6UST_D
date updated: 160824

the man who can't be moved » jjk x pjm (jikook)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon