tmwcbm • chapter 9

453 19 11
                                    

People talk about the guy that's waiting on a boy, oh ohh
There are no holes in his shoes but a big hole in his world, hmm
And maybe I'll get famous as the man who can't be moved...

~*~

JIMIN

Dalawang taon na din ang lumipas simula ng nawala ka.

Dalawang taon na kong nangungulila sa piling mo.

Namimiss na kita. Sobra sobra pa.

Hinawakan ko ang lapida mo at nagtirik ng kandila.

"Bakit ganun? Bakit kasi iniwan mo ko? Akala ko ba mahal mo ko?" bulong ko sa hangin na animo'y ikaw ang kausap ko. "Pasensya ka na kung huli na nung pinatawad kita." napatingin ako sa langit. "Oo nga pala, aalis ako ng bansa. Kaya hindi na kita mabibisita ulit. Doon na kasi kami titira." pinipigilan ko ang pagtulo ng mga luha ko. "Wag kang magagalit sakin ha? Haha. Ang lakas mo talaga sakin! Biruin mo, dalawang taon na, eto ako. Nagpapatanga pa rin. Nagbabakasakaling babalik ka sakin." napatawa nalang ako sa mga sinasabi kong napakaimposibleng mangyari.

Pumikit ako sandali at nananatiling sariwa sa akin ang lahat.

Noong araw na nawala ka.

Noong araw na iniwan mo ko.

Ang sakit nung una dahil hindi ko matanggap.

Hindi ko matanggap na iniwan mo ko.

Hindi ko matanggap na iniwan mo ko, Jungkook.

"Tara na, may flight ka pa." yaya sa akin ni Yoongi.

Tumingin ako sakaniya at binigyan siya ng mapait na ngiti.

"Andito lang ako para sayo." pagkatapos non ay niyakap niya ko ng mahigpit.

"Salamat." sabi ko at bumuntong hininga.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Tumingin ako sa langit at ngumiti.

"Mahal kita, Jungkook."

THIRD PERSON

Niyakap ni Jimin ang katawan ni Yoongi na ngayo'y wala ng buhay.

"Andaya mo, Yoongi!" paulit-ulit niyang sinasabi.

Tanging hagulgol niya lang ang maririnig mo sa buong kwarto.

"J-jimin... W-wag ka ng umiyak." biglang napatigil ang lahat.

Animo'y ang lahat ay nagulat.

"Yoongi! Buhay kaaaaa!" agad napalitan ng saya ang mga luhang kanina'y pumapatak sa mga mata ni Jimin.

Pati ang mga doktor ay hindi maipaliwanag ang nangyari.

Agad na pumunta ang mga doktor sa pwesto ni Yoongi at sinimulang i-check lahat ng vital signs niya. Sa kabutihang palad, ang lahat ay stable na.

Totoo nga ang milagro.

Pinalabas muna ng kwarto ang pamilya ni Yoongi kasama si Jimin.

Naiyak na lamang sa tuwa ang nanay nito at niyakap ang binata.

"Tita, buhay po si Yoongi." galak na tugon ni Jimin.

"Oo, anak. Salamat sa Diyos. Salamat din sayo." sabi ng ina ni Yoongi.

Ngunit ika nga, pagkatapos ng tuwa ang paliging kasunod nito ay kalungkutan.

Bumababa na muna si Jimin sq ground floor ng ospital. Hindi niya alam kung bakit ngunit parang may nag-udyok sa kaniya na pumunta rito.

Agad na nakarinig ang lahat ng sirena ng ambulansya.
Sinyales na may bagong pasyente ang paparating.

Nagkagulo ang lahat ng nurse at doktor sa may ER.

Bigla nanamang kinabahan si Jimin. Napahawak siya sakaniyamg dibdib.

"Kinakabahan nanaman ako."

Pinanood niya lamang ang mga doktor habang inilalabas ang pasyente sa loob ng ambulansiya.

Biglang tumigil ang mundo ni Jimin ng makita niya kung sino ang bitbit na pasyente ng mga doktor.

Ang taong kanina lang ay kasama niya.

Ang taong mahalaga sakaniya.

Ang taong mahal niya.

Si Jungkook na ngayo'y naliligo sa sarili niyang dugo.

Napako siya sa kaniyang kinatatayuan at hindi alam kung anong gagawin.

"Anong nangyayari?"

~*~

date updated: 161108

omyghat. buhay si bebe yoongi! pero wat hapen kay bb jungkook??? ghad ang sama ko talaga sa mga babies ko T^T sorna! So anong team kayo? #yoonmin #jikook HAHAHAHHA sowwy!~

the man who can't be moved » jjk x pjm (jikook)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon