tmwcbm • chapter 7

473 21 16
                                    

'Cause if one day you wake up and find that you're missing me
And your heart starts to wonder where on this earth I could be
Thinking maybe you'll come back here to the place that we'd meet
And you'll see me waiting for you on the corner of the street...

~*~

JIMIN

Agad akong nagbihis para puntahan si Jungkook. Siguro panahon na rin para klaruhin ang lahat sakanya.

Oo, mahal ko pa siya pero may mga bagay na dapat kong mas pagtuunan ng pansin.

Huminga muna ko ng malalim atsaka ako kumilos.

Kinuha ko ang bag ko. Handa na kong umalis.

Biglang tumunog ang cellphone ko.

Mrs. Min calling...

Ang mama ni Yoongi? Bakit naman kaya ako tatawagan ni tita?

“Jimin, anak.” tawag sakin ni Tita na tila may pag-aalala sa boses niya.

“Bakit po?” marahan kong sagot.

“Anak... Si Yoongi... Kailangan ka niya ngayon.” binababa ko na agad ang tawag pagkatapos kong marinig yon.

Tumakbo na ako palabas ng bahay at pumara ng taxi.

“Sa St. Benedict Hospital po.” sabi ko sa Driver.

“Sorry, Jungkook.”

YOONGI

Idinilat ko ang mata ko at naaninag ko ang mukha ng taong mahal ko.

Si Jimin.

“Yoongi? Yoongi! Tita! Gising na po si Yoongi!” masaya niyang sabi.

“Salamat sa Diyos!” sabi ni Mama.

“Yoongi. Ayos ka na ba? Sabi ko kasi sayo kumain ka palagi ng marami. Tsaka dapat hindi ka nagpupuyat at—”

Bakit siya nandito?

“Jimin-ah, bakit andito ka pa?” tanong ko kaya napatigil siya sa pagsasalita.

“Grabe ka talaga ano!” pagmamaktol niya.

Tumingin ako kay Mama at alam niya na ang ibig kong sabihin.

“Sige mga anak, maiwan ko muna kayo.” sabi ni mama atsaka siya lumabas.

“Diba dapat magkikita na kayo ni Jungkook. Bakit ka nandito?” pinipilit kong hindi umiyak. Pinipilit ko lang.

“H-ha?” sagot niya.

“Diba... Mahal mo pa siya. Alam ko naman.” Yoongi, wag kang iiyak sa harap niya.

“P-paanong—” di ko na siya pinatapos.

“Dapat kasi hindi ka na pumunta dito, ano ka ba naman? Alam ko, Jimin. Mahal mo pa si Jungkook.” ngumiti ako sakanya, “Bahala ka diyan, naghihintay yun sayo. Hiningi niya sakin kanina ang number mo, kasi gusto niya daw makausap ka.” umiwas ako ng tingin, “Umalis ka na, Jimin-ah, baka di na kita pakawalan kapag nagkataon.” tumawa ako ng mapakla.

“Hindi kita iiwan, Yoongi. Please. Dito lang ako sa tabi mo lalo na't andito ka nanaman sa ospital kaila—”

“Jimin-ah, wala ng gamot sa Leukemia. Alam kong mamatay na rin lang ako. Gustuhin ko mang lumaban, pero kung hindi ko na kaya at napagod na ang katawan ko, wala na rin tayong magagawa.” huminga ako ng malalim, “Gusto kong kapag nawala na ako, may mag-aalaga sayo. Kay Jungkook ka naman talaga nararapat at hindi saakin.” tumingin ako sakaniya at nagsisimula na siyang umiyak, “Huwag kang umiyak diyan, Jimin-ah! Ayokong umiiyak ka!” pagpapatahan ko sakaniya.

“Mahal kita, Yoongi. Wag kang magsalita ng ganiyan! Hindi ka mawawala.” sabi niya habang umiiyak.

“Alam kong mahal mo ko. Dahil nararamdaman ko yon. Pero...” ngumiti ulit ako sakaniya. “Mas mahal mo si Jungkook. Kaya umalis ka na, tingnan mo oh, mag ti-10 na ng gabi, puntahan mo na siya! Hinihintay ka nun!” sabi ko.

Tiningnan niya ko at pinunasan niya ang luha niya, “Yoongi, babalik ako. Hintayin mo ko ha? Salamat. Mahal kita.” pagkasabi niya non nakaramdam ako ng kung anong masakit sa puso ko.

Nginitian ko lang siya.

Papaalis na sana siya pero tinawag ko ulit siya.

“Jimin-ah~” pinipigilan kong tumulo luha ko. “Payakap muna, bago ka umalis.” hiling ko.

Lumapit siya saakin at niyakap niya ako.

Ang sarap sa pakiramdam na yakapin ka ng taong mahal mo.

“Jimin, sabihin mo ulit na mahal mo ako.” tugon ko.

“Mahal kita, Yoongi.” pagkatapos nun ay nginitian niya ako at umalis na siya.

“Mahal na mahal din kita, Jimin.” nagsimula ng tumulo ang mga luha kong kanina pa gustong bumagsak.

“Sorry, Jimin-ah. Hindi na kita mahihintay. Sorry. Mahal kita.” nakaramdam ako ng pagsikip ng aking dibdib at tuluyan na akong nawalan ng malay.

“... Paalam... Jimin.”

JIMIN

Tinakbo ko mula ospital hanggang sa park.

Tiningnan ko kung anong oras na.

10:56 pm

Binilisan ko pa ang pagtakbo at nakarating na din ako.

Andito pa kaya siya? Hinintay niya kaya ako?

Nilibot ko ang paningin ko.

Nandito pa siya.

Nandito pa si Jungkook.

Lumapit ako sa may direksyon niya ng mahinahon.

“Jimin, mahal pa rin kita.”

Paalis na sana siya,  “Mahal din kita, Jungkook.” tugon ko sa sinabi niya.

~*~

date updated: 161020
ang sama ko huhuhu T^T pinatay ko si bebe yoongi. sorry naman! Huhuhuhu. Support me fam. Labyu❤

the man who can't be moved » jjk x pjm (jikook)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon