tmwcbm • chapter 8

473 20 17
                                    

So I'm not moving, I'm not moving,
I'm not moving, I'm not moving...

~*~

JUNGKOOK

"Mahal din kita, Jungkook." nagulat ako sa boses na narinig ko.

Ang boses niya.

Ang boses ng taong kanina ko pa hinihintay.

Humarap ako sakaniya at nakita ko ang namumugto niyang mga mata.

"Jimin-ah..." tawag ko sakaniya.

Hindi pa rin makapag-sink in sa utak ko na andito siya sa harapan ko. Umiiyak. Habang nakangiti.

"Jungkook... Sabi ko sayo noon ayoko na. Ako pa nga ang nakipagbreak sayo." pinunasan niya ang luha niya. "Kasi naman, bigla ka nalang nagbago noon. Hindi ka na tulad ng dati... Kaya ayun, napagod na ko." mas lalo pa siyang umiyak. "Napagod na ko sa sitwasyon natin. Napagod na ko kakaintindi sayo kasi hindi ko alam kung bakit ka nagbago." lumapit ako sakaniya pero lumalayo siya. "Sa hinaba ng panahon na nagkahiwalay tayo, nalaman kong pumunta ka ng ibang bansa. Jungkook... Mahirap. Mahirap magmove on." konting katahimikan ang bumalot sa amin at tanging mga hikbi niya lang ang maririnig.

"Pero may isang tao na dumating para bigyang kulay uli yung mundo ko. Si Yoongi." tumawa siya ng bahagya. "Alam mo bang siya ang pumilit sakin na pumunta dito. Na puntahan kita. Dahil alam niyang mahal pa rin kita hanggang ngayon. Na ikaw pa din yung laman ng puso ko. Oo Jungkook! Mahal pa rin kita!" napaupo siya at tsaka na umiyak ng umiyak.

"M-mahal na m-mahal p-pa rin k-kita, Jungkook!" sabi niya habang umiiyak.

Lumapit ako sakaniya at niyakap siya ng mahigpit.

"Sorry, Jimin-ah. Sorry. Mahal din kitam hindi nawala yung pagmamahal ko sayo. Tahan na." itinayo ko siya atsaka niyakap ulit. "Alam kong ako ang mali. Sorry kung ti-nake for granted kita. Sorry sa lahat. Jimin-ah, masyado kasi akong nakampante noon na hindi mo ko kayang iwan. Sorry, Jiminnie ko. Sorry. Mahal na mahal kita." sabi ko habang yakap yakap ko siya.

Sa mga oras na to, parang gusto ko ng tumigil ang mundo. Masyadong masaya ang puso ko ng malaman ko ang lahat ng yun, mula sa kaniya.

Hinawakan ko ang mga pisngi niya at tumingin sa kaniyang mga mata.

"Jimin-ah, I love you." pagkasabi ko nun ay idinampi ko na ang mga labi ko sakaniya.

Para bang sumasabog ang puso ko sa nangyayari ngayon.

Mahal na mahal ko ang taong nasa harapan ko ngayon.

"I love you too, Jungkook." sabi niya ng nakangiti sa akin.

"Wag ka ng umiyak, Jiminnie ko. Papangit ka niyan!" pagbibiro kong sabi.

"Oo na. Hahahaha. Umuwi ka na." sagot niya.

"Ikaw? Tara sabay na tayo. Gabi na kaya." yaya ko sakaniya.

"Babalik ako sa ospital. Si Yoongi. Kailangan niya ko." pagsabi niya non, alam kong may kung ano sa puso ko kumirot.

Nagseselos ako.

"Samahan na kita." pag-alok ko.

"Nako. Wag na. Umuwi ka na. Okay lang ako. Ingat ka." ngitian niya ko kaya halos hindi ko na makita ang mga mata niya.

Napatawa nalang ako.

"Sige, mag-ingat ka din." nakangiti kong sabi.

"Opo. Sige, bye!" tumakbo na siya pagkasabi niya non.

Napatingin ako sa langit at pinagmasdan ang mga bituin.

"MAHAL NA MAHAL KITA, JIMIN-AH!~" sigaw ko ng may halong ngiti sa aking mga labi.

JIMIN

Hindi pa rin mawala sa mga labi ko ang ngiti sa nangyari kanina.

Binilisan ko na ang takbo ko pabalik sa ospital.

Pagpasok ko sa ospital ay bigla nalang akong kinabahan. Anong nangyari? Hindi to katulad ng kaba na naramdaman ko kanina nung kasama ko si Jungkook. Iba ee. Ibang kaba. Pakiramdam ko mag mangyayaring masama.

Bigla kong naisip... Si Yoongi.

Tumakbo ako papuntang kwart niya at andun si Tita, si Tito pati ang mga kapatid ni Yoongi... umiiyak sila.

"A-ano pong nangyari? B-bakit kayo umiiyak? A-asan po s-si Y-yoongi? O-okay lang s-siya diba?" kinakabahan kong tanong.

Biglang lumabas ang doktor galing sa kwarto ni Yoongi.

"Sorry, Mrs. Min, Mr. Min. Hindi na po kinaya ng anak niyo. I'm sorry." pagkarinig ko nun bigla nalang tumulo ang luha ko.

Diba sabi ko antayin mo ko? Ha? Yoongi? Ang daya mo talaga!

Pumasok ako sa kwarto niya at nakita ko siyang nakapikit. Namumutla. Wala na.

"Yoongi! Ang daya mo! Diba sabi ko hintayin mo ko! Bakit ka bumitaw agad! Sabi mo mahal mo ko! Sabi mo diba hihintayin mo kong makabalik. Yoongi! Gumising ka diyan!!!!" humagulgol na ako ng iyak. "Yoongi!!! Please! Gumising ka!!! Yoongi!" iyak pa rin ako ng iyak.

Lumapit sa akin si tita.

"Anak, tama na." pag-awat sakin ni tita. Niyakap ko nalang siya atsaka nag-iiyak. "Tita, buhay pa si Yoongi! Tita! Buhay pa siya!"

"Anak. Oo buhay pa siya. Andiyan siya sa puso mo diba?" pagpapakalma sakin ni Tita.

Umiyak nalang ako ng umiyak.

Yoongi ang daya mo! Ang daya-daya mo!

~*~

date updated: 161031

nag-update ako kasi pag-open ko ng wattpad ko, nagvote si @bheakeithhajji na-amaze lang ako kasi kahit papaano may nakakaappreciate pala ng gawa ko. salamat po.

the man who can't be moved » jjk x pjm (jikook)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon