SASSA spread her arms as she welcome the cool breeze that caresses her skin. Isang ngiti ang sumilay sa mga labi niya habang ninanamnam ang hangin. She just got back from the states three years after her heartache. Sino ang mag-aakalang maghihiwalay sila ni Julian dalawang lingo bago ang kasal nila?
Yes. They broke up. He broke her up. Isang buwan bago ang kasal ay may dumating na babae at nagpakilala bilang kababata nito minsang kumakain sila sa isang restaurant. From then, unti-unti na itong nagbago. He started to look aloof and confused everytime they're together. Sinubukan niyang kausapin ito ngunit lagi lang nitong sinasabing maayos lang ang lahat.
Then one freaking night, he talked to her and told her he can't do it. Pagkatapos niyon ay hindi na niya ito nakita pa. Just like that. Sinubukan niyang kausapin ito sa opisna ngunit umalis daw ito ng bansa nang hindi niya nalalaman. She tried to reach him by calling him but to no avail. She waited for him to come back and when he did, he was with the woman she met in the restaurant.
Halos gumuho ang mundo niya noon. Sa lobby ng building ng kompanya nito, she was there standing like a fool looking at them. Nagtama ang mga mata nila ngunit hindi siya nito kinibo kundi ay mas humigpit pa ang braso nitong nasa beywang ng babae. That hurt like hell! And the woman looked at him lovingly and smiled. Ni hindi niya nagawang magsalita nang lagpasan siya ng mga ito. The feeling was surreal. Kung hindi pa siguro siya kinibo nang guard ay hindi pa siya magigising sa realidad. Ang sakit. Ang sakit-sakit.
Nginitian niya nang malungkot ang guard bago lakad-takbong nilisan ang building. She was suffocating inside. Ano'ng nangyari? Gusto niyang magtanong. Gusto niyang isigaw kay Julian ang tanong na bakit... Ngunit hindi niya nagawa.
He never gave her the chance to ask. He just left her then shut her out. Just like that. Nang gabing iyon ay naglasing siya sa isang club. She went out at three in the morning, and then met an accident. Nabunggo siya. She got comatosed for three months, tapos inoperahan ang kanang tuhod niya dahil nadurog ang buto niya sa lakas ng impact ng aksidente. She didn't feel pain, didn't even know how it happened. She was too numb. Hindi siya nakalakad ng anim na buwan at halos mabaon sa utang ang mga magulang niya sa gastusin.
Kaya noong malamang maayos na ang kalagayan niya ay hindi siya nagdalawang isip na mag-apply abroad at doon magtrabaho. She went back to Sejice Corporations just to get an employment certificate for her resume. Kung maaari ay ayaw sana niyang bumalik pa roon ngunit mas mabuti raw kung makakakuha siya no'n.
And those symphathetic eyes, she hated them. She had enough of everyone else giving her that kind of look.
Now she's back. But she's never the same. Alam niyang may nagbago sa kanya. She's now stronger and fiercer than her old self. And she's so damn ready to face what awaits her.
"Sa..."
Naputol ang pagmumuni-muni niya nang marinig ang boses ng kanyang kaibigan. Nilingon niya ito.
"Ayaw mo talagang ipaalam sa pamilya mo na bumalik ka na?"
Napabuntong-hininga siya saka umiling. "Hindi muna," saad niya.
Izzy looked at her skeptically. "Sigurado kabang magaan ang loob mong nandito ka ulit sa Pilipinas?"
Kumunot ang noo niya. "Bakit naman hindi? Izzy, gusto ko lang munang mapag-isa. Hindi mo alam kung gaano kahirap ang magtrabaho nang mag-isa sa Amerika. Kung ayaw mo akong tumuloy dito sa iyo ay sabihin mo lang, aalis naman ako."
Halatang nabigla ang kaibigan niya sa mga sinabi niya. She didn't mean to be rude but the words came out naturally. Umalis siya sa pagkakatayo sa may bintana saka dinampot ang kanyang bag. "Pasensiya na kung nakakaistorbo ako sa iyo. Ipapakuha ko nalang ang mga gamit ko rito. I'm leaving," she said then went out.
BINABASA MO ANG
In My Heart - Sequel Of HBNOR (Completed)
RomanceA sequel of Her Boss' Number One Rule Boss Series #1 Book 2 Things change. Shit happens. In some seemingly successful love stories sometimes started with weird beginnings. And some have ended with madness and anger. Now, how to really heal a broken...