Dagli: Jumping Jack

127 1 0
                                    

     Napakatirik ng araw ngayon. Tila sinusubukan ang kakayanan at pag-titiis ng aming mga balat at katawan. Naglalaro kami ng bente uno habang ang iba ay nasa lilim at nagpapahinga. Hinayaan kami ng aming guro sa PE na mag-laro ngayong oras at mamaya na mag-ehersiyo. Mag-lalaro pa sana kami ng basketball kaso ayaw na ng aking mga kaklase, kaya nag-takbuhan nalang ulit kami.

     Mataas na si haring araw ngayon at hudyat na ito upang mag-pahinga na kami at mag-tanghalian. Pumunta ako sa locker room para makapagpalit na ng damit. Nang matapos, nakasabay kong lumabas si Trixie, ang aking matalik na kaibigan. Napansin namin na natabunan na ng ulap ang araw kaya hindi na masyadong mainit.

     Pagkatapos kumain ng sandamakmak na fried chicken, dumiretso na kami sa gymnasium. Pagdating namin, pumipila na ang aming mga kaklase para mag-umpisa na sa pag-eehersisyo. Tumakbo kami papunta sa pila at nag-umpisa na.

     Nag-handa ng mga nakaiindak na musika ang aming guro para mas ma-engganyo naman kaming gumalaw. Nag-stretching kami at nag-warm up. Sumunod naman ay push-up. Nako po! Ang sakit sa braso.

     Nagpatuloy kami sa jumping jacks at sagaran na ang pag-rereklamo namin dulot ng kapaguran. Talon kami ng talon hanggang sa maka-49 kami. Huling talon na lamang at matatapos na ako. Pag-talon ko, tila gumaan ang aking pakiramdam dahil naisip kong huli na 'to. Makapagpapahinga na ako! Pumikit pa ako para damang-dama at dahil pagod na rin talaga ako.

     Pero bakit ganun? Ang bagal ko bumaba. Umihip ang malakas na hangin. "JACK," sigaw ni Trixie. Dumilat ako at nakita kong nahulog na pala ako sa mataas na building na'to at konti nalang ay babagsak na ako sa lupa. BAAAAG! Sa wakas, tunay na akong makapagpapahinga.

Sa Likod Ng KuwadernoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon