Naaksidente ako tatlong buwan na ang nakalipas. Car accident. Ang masaklap? Ang nakabunggo namin ay isang trailer truck na may kargong yero. (Kaya ayan akala mo naging instant kutsyilo.) Sabi nila kung sasaktan mo ang sarili mo, mababawasan ang emosyonal na sakit, hanggang sa tuluyan ka nang mamanhid. E, 'di ginawa ko. Sinubukan kong maglaslas. Blade dito, cutter doon. Razor diyan, gunting sa tabi. Ayaw parin. Ilang buwan na at mukha akong ewan dahil walang nangyayari. Nababaliw na ata ako.
Tapos naalala ko. Wala na nga pala akong mga braso
BINABASA MO ANG
Sa Likod Ng Kuwaderno
Non-FictionMga storya, tula, at sulating nabuo sa likod ng aking kwaderno. Samahan niyo akong ilathala ang aking mga kwento. Stories, poems, and scratches made at the back of my notebook. Join me in sharing my creations that will keep you shook.