Dagli: Iyon Nga!

70 0 0
                                    

Kagagaling lang niya sa kasal ng kaniyang matalik na kaibigan. Limang oras din ang naging biyahe niya pauwi kaya siya'y pagod na pagod. Pumasok siya sa kaniyang kwarto at biglang nakaramdam ng lamig. Wala naman aircon at nakapatay naman ang bentilador. Tinignan niya ang mga bintana na nanatiling sarado. Natakot siya. Dahan-dahan siyang pumunta sa banyo at pagkarating, nakaamoy siya ng isang bagay na mapait. Mabili siyang bumalik sa kaniyang silid. Napahawak siya sa kaniyang dibdib dahil sa sobrang takot at kaba.

Bigla niyang napagtanto. 'Yung malamig? 'Yung mapait? 'Yung nakakatakot? Puso nga pala niya iyon.

Sa Likod Ng KuwadernoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon