AN: to be edited
----------Pagod na pagod na kami sa ginagawa namin. Alas diyes na ng gabi at nandito parin kami sa campus. Pilit naming tinatapos ang plot at script ng dula dulaang pinapagawa ng professor namin. Ang ibang mga ilaw ay nakapatay na, ang mga silid ay nakasara, at tanging ang activity hall, kung saan kami gumagawa ng props at script, nalang ang buhay na buhay pa.
"Prescilla, samahan mo akong bumili ng pagkain," banggit ng isa kong kaklase. Tumayo si Prescilla at sinamahan si Mark. Nag-pasabay na rin akong bumili ng siopao dahil kumakalam na ang sikmura ko. Pagkalabas nila ay saktong dumating ang crush ko. Dahilan kung bakit panay ang tukso ng mga kaklase ko saakin. Humupa ang pang-aasar at bumalik ang lahat sa kanikanilang mga gawain. Tahimik sa hall dahil tutok sa pag-gawa ang lahat habang ang iba ay unti-unti nang nakakatulog. Nabasag lamang ang katahimikang ito nang marinig namin sina Prescilla at Mark na sumisigaw. Saka palang namin sila nakitang tumatakbo papalapit saamin.
"Anong nangyari?" iyan ang tanong naming lahat sakanila. Bawat isa ay tumigil sa kani-kanilang mga gawain upang daluhan ang dalawang nangangatog naming kaklase.
"Babae. May babae kaming nakita," sagot ni Mark. Mukhang inabuso raw itong babaeng at noong namataan sila, bigla silang hinabol. Narinig ng mga guwardiya ang kwento nina Mark at sinabing matagal nang nag-mumulto ang babaeng ito. At upang mapanatag ang aming loob, sinamahan nila kami. Mayroong ibang napraning at may ibang katulad ko, ay hindi na pinansin.
Limang minuto bago mag hating gabi ay nakatanggap ako ng text mula sa aking ate.
From: Achie
Shobe, umuwi na sila Mama galing US. Pack-up kana diyan, 'wag ka na raw muna mag-over night. Ingat ka pauwi. xKaya inayos ko na ang mga gamit ko at nag-paalam sa aking mga kasama. Nang makalabas sa gate, dalidali akong pumara ng taxi dahil natatakot ako sa kalyeng madilim na kinaroroonan ko. Pumasok ako sa harapang upuan ng taxi at sinabi ang aking address.
Pinilit kong hindi makatulog upang manatiling alerto pero tingin ko ay konti nalang at susuko na ang mga mata ko. Bago pa ako tuluyang makapikit ay naaninag ko ang isang babaeng nakatingin ng masama sa taxi na sinasakyan ko. At dahil dito, napasigaw ako at tinanong ang drayber kung nakita niya rin ba ito.
"Oo. Nakita ko," sagot ng drayber sa malamig na tono. Kinilabutan ako at ginapangan ng takot at kaba.
"Pero 'wag ka mag-alala. Matagal na iyang nag-mumulto at hindi naman ako papayag na may masaktan," pagpapatuloy niya. Nagdasal ako ngunit andun parin ang takot. Sa dami ng aking iniisip, hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako nang kami ay nasa madilim na kalyeng malapit na sa bahay namin. Inayos ko ang aking mga gamit at hinanda na ang pambayad. Nang tumigil na ang taxi, tinignan ko ang metro upang malaman kung magkano ang dapat bayaran ngunit wala ito! Tinignan ko ng mabuti ang drayber at nanlaki ang aking mga mata at nalaglag ang panga.
"Tingin mo ba hahayaan kitang umuwi ng mag-isa nang gabing gabi na?" wika ng drayber
Sinubukan kong matulog ng gabing iyon ngunit hindi parin ako makapaniwala na hinatid ako ng crush ko!
BINABASA MO ANG
Sa Likod Ng Kuwaderno
Non-FictionMga storya, tula, at sulating nabuo sa likod ng aking kwaderno. Samahan niyo akong ilathala ang aking mga kwento. Stories, poems, and scratches made at the back of my notebook. Join me in sharing my creations that will keep you shook.