Dagli: Bulalakaw

77 0 0
                                    

Naniniwala ka ba na matutupad ang hiling mo sa bulalakaw?

Ako oo.

Bakit?

Kasi nasaksihan ko na.

Weh?

Oo nga.

Kelan?

Kamakailan kasi humiling ako sa bulalakaw.  Makaraan ang isang linggo, andito na ako.

Oh, ano meron?

Tingin mo ba kung hindi natupad ang hiling ko, nakakausap kita ngayon? Ano ka ba! Payakap nga, sampung taon na rin simula nung iniwan mo ako noong namatay ka.

Sa Likod Ng KuwadernoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon