I.

14.6K 160 2
                                    

Alexis

Won't go home without you

It's not over tonight, just give me one more chance to make it right,

I may not make through the night I won't go home without you,

Oh woah oh

It's not over tonight just give me one more chance to make it right,

I may not make it through the night,

I won't go home without you,

I won't go home without you,

I won't go home without you,

I won't go home without you...

"Wala iba talaga karisma mo Lexis" sabi sakin ni Kiko while tapping my back, siya ang lead guitarist ng banda namin.

"Oo nga! Putek! Hiyawan yung audience eh ramdam ko yung kilig ng bawat isa" umiiling na sang ayon ni Lei, siya naman ang aming drummer.

"Ay nako! Kulang nalang sambahin ka nila Lexis grabe ka!" Eksaheradong sabi naman ni Mike, ang aming bahista.

"Ikaw Tony may maisisingit ka pa?" Walang ka gana ganang saad ko sa aming pianista.

"Nah wala na, ihampas mo pa yang gitara mo sa akin eh" kibit balikat niyang tugon.

"Alam niyo di ko malaman bakit pa ulit-ulit niyong sinasabi yan every gig natin eh" iritableng sabi ko.

"Kasi nga nakakainggit ka!" Sabay sabay nilang sabi.

Kumunot naman ang aking noo.

"In what way ako nakakainggit? Di ba kayo nag pumilit na maging bokalista ako? Sabi ko sa inyo ayoko naman neto di ba?" Inis kong sabi dahil di ko alam ang dahilan bakit ganyan sila.

Nang aasar ba o ewan?!

"Sira! Hindi dahil ikaw ang bokalista" natatawang sabi ni tony.

"Eh ano pala?" Hinihilot ko na ang kaliwang kilay ko dahil naiinis na talaga ako.

Mga pabebe! Tagal mag salita -_-

HerSheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon