XI.

3.3K 87 3
                                    

Alexis

         Bakit ganon? Nagtataka pa rin ako kay fer bakit ganon yung sinabi niya parang double meaning eh.

O ako lang nag bibigay ng ibang meaning?

Oo ikaw lang naman talaga! Haler! Sabi ng boses sa aking isipan na parang si tony naman.

Napabuntong hininga nalang ako at tumayo na sa aking kama.

Linggo ng umaga at may workshop nanaman mamaya, makikita ko nanaman siya.

Kaya agad na napa ngiti ako at ginawa na ang mga ritwal ko bago pumunta ng workshop.

Kasalukuyan akong nasa living room namin at nanonood ng Adventure Time, may ilang oras pa kasi bago ang workshop. Alam ko pambata iyon ngunit mas maganda ng ito ang panuorin ko kesa naman sa walang katuturang hearing ng pag iibigan ng isang senadora at kanyang dating driver.

Nakaka umay ang balita.

Ayon nga't nasa ganon akong eksena ng tumunog ang doorbell.

Ako lamang ang nandito tuwing linggo dahil busy sa aming kumpanya at sa aming laboratoryo ang aking mga magulang, samantalang ang aking kapatid na lalaki ay kasama ang kanyang kasintahan at ang bunso naming kapatid.

Agad kong tinungo ang pinto at ng pag bukas nito'y tila naging isang bantayog ako dahil sa mga brasong naka pulupot sa leeg ko at labing naka lapat sa aking mga labi.

Agaran namang humiwalay ang pangahas na labing umangkin sa aking nananahimik na labi.

"What are you doing here?" Walang kagatol gatol kong saad.

"Because i miss you baby chill naman tayo, my treat" malandi este malambing niyang tugon habang hinahaplos ang kaliwang pisngi ko.

"Uh sorry chloe I have plans" pag tanggi kong saad.

"No worries sasamahan kita and then we can chill" sabi niya sabay kindat.

Wala na akong nagawa kundi pumayag sa alok niya dahil kahit tumanggi ako ay kukulitin ako nitong si Chloe.

"Hindi ka ba pagagalitan ng ate mo chloe?" Sabi ko ng makarating na kami sa garahe.

"Why aren't you calling me clong clong?" Sabi niya at nag pout pa.

Hay pinipilit kong ma cute-an manlang sa mga pinapakita niya ngunit ang imahe ng masungit at isnabera niyang ate ang nanghihimasok sa aking isipan.

Kaya naman napa ngiti ako...

"Ugh! Stop smiling i'm melting" sabi niya na kinikilig kilig pa.

Napangiwi naman ako na parang na wiweiduhan sa kanya.

Eh? Kasi naman wag mo ng pag pantasyahan ang ate niya, ayan tuloy akala niya dahil sakanya ka napapangiti! Makabagbag damdaming saad ng utak ko.

Hala? Parang tanga.

Nag salubong ang kilay ko sa saad ng isipan ko.

Wala pa naman akong multiple personality disorder , psychosis at schizophrenia hindi ba?

"Uh lexis tara na stop arguing with yourself love kita kahit ganyan ka" malanding sabi niya at hinalikan nanaman to.

Aba! Bastos to ah? Nakakarami na sabihin pa ng ate niya nag tataksil ako sakanya.

HerSheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon