III.

4.8K 107 1
                                    

Alexis

"May madaya dito, hindi nag kekwento" maktol ni Faye habang nilalaro ang buhok ni Jaja (GF niya)

"May madaya dito nag lalandian sa harap ko" ginaya ko yung tono niya sabay tawa.

Natawa din si jaja habang si faye naman ay nag belat lang.

"Sus inggit ka lang pano di ka naka da moves sa bebot mo" sabi niya.

"Ang cheap naman nung 'bebot' brotha!" I said rolling my eyes.

"Taray ayaw niya masabihan ng cheap yung crush niya!" Pang aasar niya.

"Hey, she's not my crush" I said nonchalantly baka sabihin niya pa defensive ako.

"Defensive oh!" Sabi niya. See? Ganyan yan huhu

"So wala na akong tamang sasabihin laging may kontra?" Taas kilay kong saad.

"Alam mo parang di ka nawawalan ng regla! Ang taray mo lagi jusme!" Sabi niya sabay yakap kay jaja.

(A/N: pasintabi po haha)

"Sus lagi niyo naman napupuna na masunget ako, di ako masunget mainit lang ang panahon naiirita ako." Pag dadahilan ko.

"Lul umuulan sa labas oh and it's freaking cold" sabi niya.

"Nabago na? Climate change talaga no? Parang feelings ng tao pa bago bago." Sabi ko nalang, umuulan nga pala, may bagyo. Tanga ng dahilan ko.

"Hugoooooot!" Sabay na sabi ni Faye at Jaja.

Kaya natawa nalang kaming tatlo.

Nandito kami ngayon sa bahay nila Zen.

Well bukod sa mga kababata ko eh may mga kaibigan din ako, I met most of them when I was in my high school years. Tapos pare pareho nalang kami ng pinasukang pamantasan ng mag kolehiyo kami. Si Faye nakilala ko nong 3rd year high school ako classmate ko siya nun, nag kasabay kami one time papunta sa chemistry class namin then ayun dun nag simula, ms. congeniality tong si Faye eh daming kinakausap, daming kilala kala mo tatakbong mayor. Hopeless romantic yan pero napaka blessed ng maging sila ni Jaja na super crush niya ever since the world begun chos. Classmate ko siya. Gusto niya talaga IT kasi mahilig manuod ng porn yan este magaling sa computer yan pero dahil parents niya ang masusunod kailangan mag take siya ng Science based course.

Si Zen naman nakilala ko nung 1st year high school palang ako nakalaban ko siya noon sa Essay Writing contest at Science Quiz Bee. Lagi kasi kaming nag ta tie, mga supporters namin nag a away di nila alam palihim namin silang tinatawanan ,dun na nag simula pag ka kaibigan namin, sobrang tahimik nito, kala mo laging nag dadasal eh, tahimik talaga pero pag naging close mo napaka libog puro kalibugan ang alam sa buhay jusko pero matalino yan makokonek niya yung kalibugan niya sa pinag aaralan niya, kaya pag di ka niya gusto it's either dedma ka or pipilosopohin ka niya. Napaka taas ng standards niyan sa babae, pero di naman siya nag babase masyado sa itsura sapiosexual kasi yan. Kaya high standards. Brains over boobs daw pero brains with boobs is much better daw. Baliw yan eh kaya Psych major.

"Alam mo malapit na kitang pag aralan Lexis feeling ko may schizophrenia ka na" pukaw naman sakin ni Zen.

Dumating na siya dala dala ang merienda namin.

"Ang OA mo for a Psych student. I'm not having any delusions or hallucinations don't worry, I'm just tired from the workshop earlier" sabi ko.

"Lul nag bibiro lang ako lagi ka na kasing tulala, I'm just worried. Sometimes I think that you're taking Cocaine since you mastered you're Organic Chemistry." Kibit balikat niyang sabi.

HerSheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon