Alexis
"Anak inumin mo na itong rapamycin mo" abot sa akin ni mom ng gamot.
"Ma naman puro nalang gamot, penge naman ako ng kahit isang tsokolate man lang" sabi ko at nag pa cute pa.
"Hay ang tigas talaga ng ulo mo kailangan mo talagang inumin tong gamot na to napaka makakalimutin mo na, di ba sabi na ngang bawal sayo yon" paliwanag niya.
"Isa lang ma eh para namang malalason ako, para tuloy akong aso niyan" sabi ko at nag pout ng lips at sisinghot singhot na akala mo'y may sipon.
Napa buntong hininga si mom "inumin mo muna itong rapamycin mo at bibigyan kita ng tsokolate pero may kondisyon pa ako" sukong saad niya.
Nge? Di pa ba kondisyon yung pag inom ko ng gamot?
"Ang daya naman mom iniisahan mo lang ako eh." Reklamo ko.
"Ano iinom ka neto o iinom ka?" Sabi ni mom.
Wala din akong kawala kahit di ako pumayag eh iinumin ko din yon.
Biruin mo ba naman papiliin ka kung iinumin mo o iinumin mo eh ano bang isasagot ko? Yung 'O' sa pagitan non?
I mentally rolled my eyes.
Kinuha ko na ang gamot at ininom 'to.
Kumuha naman ng chocolate sa ref si mom.
Wow! Bibigyan niya nga ako.
Para tuloy gusto ko ng laklakin yung gamot ko.
Iniabot niya sakin ang isang pakete ng tsokolate pero nang kukunin ko na 'to sa kamay niya ay inilayo niya ito ng bahagya.
Hala pati si mom paasa?
"Bago mo to kainin akin na ang kaliwang kamay mo" sabi niya.
Nilahad ko naman sa kanya ang kaliwang kamay ko.
Inilapag niya muna ang tsokolate sa lamesa.
Hinawakan ang kamay ko at maya maya'y...
*Click!*
"Aray! Inay!" Sambit ko dahil sa pag ka gulat.
Ininjection-an ako ni mom sa palasingsingan ko.
"Ayan! Oh eto na bata" sabi niya at inabot sa akin ang nakakapanlaway na tsokolate.
"Ayon! Teka mom what's that?" Tukoy ko sa itinurok niya sa akin.
"Huwag ng madaming tanong, ano babawiin ko ba yan?" Sabi niya at tinaasan ako ng kilay.
Pilit kong binabasa ang isipan niya ngunit wala akong mabasa.
Kinagatan ko na ang tsokolate "di na pwede may laway ko na" parang bata kong sabi.
Napailing nalang si mama.
"Oh di ba may lakad ka pa? Alis! Tsupi!" Pag tataboy niya.
Oo nga pala!
Napatingin ako sa wrist watch ko.
3:30 PM
Alas kwatro y mediya pa naman mag sisimula yung recital eh.
Pero tinungo ko na ang aking sasakyan.
Ayoko muna mag motor tirik ang araw at ayokong makipag sabayan ang hotness ko sa init ng araw.
Ay parang may bagyong dumaan, ang lakas ng hangin! Sigaw ng isip ko.
BINABASA MO ANG
HerShe
General FictionIs it just another chemical reaction? Or a true and unexplainable emotion? • The language of the story is taglish (mixture of tagalog and english) I'm not a professional writer so expect grammatical errors, typoghrapical errors, etc. This is creat...