V.

4.4K 99 1
                                    

Alexis

        "Hoy!" Sigaw ni Sashy.
Kahit kelan talaga to ang lakas ng bunganga.

Epekto ba to ng pag ko-choir niya?

"Bakit ba? Ang ingay naman!" iritang sabi ko.

"Kanina pako kuda ng kuda di ka naman nakikinig" she said and pouted.

"Sorry may iniisip lang" pag dadahilan ko.

"Oh ayan nang ma relax naman yang isip mo" sabi niya at inabutan ako ng stick ng Marlboro blue.

Ugh she knew me well...

"Sino ba yan?" She asked then blew out a smoke.

Humithit muna ako at bumuga ng usok ng nakapikit.

Hinarap ko siya "Sino agad? Di ba pwedeng ano?" Taas kilay kong saad.

"Lul sa babae ka lang naman na papaisip ng ganyan" sabi niya at humithit ulit sa Marlboro lights niya.

"Kilalang kilala mo talaga ako eh no?" I said and tilted my head to the left and squinted my eyes.

"Lul diyan lang ako tumatama sa pang huhula ikaw nasa malayo palang ako alam mo na ang problema ko. Alien ka ba?" She said at tinapon na ang sigarilyo niya sabay tapak dito.

At sa huling hithit ko ay tinapo't inapakan ko din ang aking sigarilyo.

"You know me, I'm an eccentric chick." Kibit balikat kong sabi.

At bigla ko nanaman namiss ang aking banda...

"Oo na! Sino nga ba yan?" Pag babalik niya.

Napabuntong hininga nalang ako, hay ang mga kaibigan ko abangers sa love life ko.

So kinwento ko kay sashy ang lahat simula ng makilala ko si Fer at sa mga napapansin ko sa kanya.

Sa sobrang kaba na nararamdaman ko habang nag kekwento eh napa yosi ulit ako.

Bakit kabado ka?

Tanong ng subconscious ko, I just shoved the thought away.

Lalo akong na ii-stress sa subconscious ko eh, minsan pakiramdam ko may ibang tao sa utak ko.

Apat na session na akong di pumupunta sa workshop dahil na takot ako last time sa nakita ko kay Fer , yun ang dahilan bakit napapaisip ako ng sobra.

Napahithit ako ng bongga sa yosi ko ng maalala ang tingin niya ugh.

Ano nga bang nadudulot ng yosi sa akin at di ko kaya tong bitiwan?

Biology student pa naman ako tapos di ako maingat sa kalusugan ko.

Pero can you blame me? This is my one and only outlet. Whenever I feel lost this helps me to get back on track because it clears my mind. Whenever I'm stressed out this is my escape especially when I was shell-shocked last year.

Whenever I feel like the world is against me this thing is always there for me, whenever I want to punch someone's face or put some horrible curse on them, this is the only thing that calms me.

Hindi ako nag yoyosi para maging cool, whenever my other friends (who doesn't have any vices) want me to teach them how to smoke I always said that...

" 'wag niyo ng balakin pa, baka akala niyo cool to? No way wag kayong gumaya sakin. Hindi masaya maging ako. Hindi masayang may bisyo, Hindi ko lang maiwan to kasi nasanay akong ito ang outlet ko. Pero please don't dare to try or use this as your outlet or past time. It's not that fun as you think it is."

HerSheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon