Hello sa mga old and new readers 😊 dedicated this to my queen. Bati na tayo please?
Anyway enjoy! xx
----
Jenefer"Wakey wakey babe..." Bulong ni Brent.
Ayoko!
Ayokong gumising!
Ayokong gumising knowing na pag dilat ko makikita kong kasal na sa iba si Alexis...
Masakit, nakakalungkot, nakakapraning.
"I know you're awake, tumayo ka na diyan, Simula nang dumating tayo dito sa hotel natulog ka na ng natulog" sabi niya at umupo siya sa may paanan ng kama.
Inalis ko ang kumot na tumataklob sa muka ko.
"Eh anong gagawin ko?! Maigi na itulog ko nalang to kesa mag ngangangawa nanaman ako" sabi ko at muling nadama na nag babadyang tumulo ang mga luha ko.
"Loosen up babe let's have some fun, punta tayong mall, puntang parlor or bar hopping" kibit balikat niyang sabi.
"Nang aasar ka?! How am I supposed to have fun when I'm miserable?! And please stop calling me babe" iritang sabi ko at umupo na.
Inihilamos ko ang mga palad ko sa aking muka.
Kaasar!
"You still owe me kaya for taking you here" he said nonchalantly.
Binato ko siya ng unan.
"Mas maigi nalang pala na hindi mo ako dinala dito"
Kamalas malasan na nasalo niya pa ang unan.
"Oh really? Eh halos mag lumpasay ka na nga makita lang yang FRIEND na yan"
Natatawa nalang siya sa mga pinagsasasabi niya.
Inis na tumayo ako at umalis sa kama.
"Oh where are you going?"
"Di ba sabi mo have fun?! Di ba pwedeng maligo muna bago mag saya?!"
"Pwede naman, Arte mo kasi susunod ka din pala! Gulo ng utak mo! Puro kasi puso pinapairal eh" naiiling niyang saad.
"Oh tapos ka na mag SONA diyan? Pwede na akong maligo?"
"Oo na, nasa kitchen lang ako ha?"
"K"
Nakangiting napailing nalang siya.
Nang matapos akong maligo ay napatitig ako sa salamin,
Hay.
Kitang kita sa aking mga mata kung gaano ako kalungkot.
Upang maibsan ang lungkot na aking nararamdaman ay inalala ko ang masasayang araw na kasama ko si alexis, lalong lalo na yung moment namin bago siya mawala.
Just as i was smiling a tear came up.
Ngunit nawala iyon bigla ng biglang naging kulay abo ang buhok ko.
Nagulat ako kaya napahilamos ako ng tubig sa aking muka.
Baka namamalik mata lang ako.
At tama nga ako dahil pag tingin kong muli sa salamin ay nakita kong kulay itim pa rin naman ito.
"Hay ano ba? Nakakapraning pala pag wala ka" sabi ko habang umiiling para maalog naman ang utak ko.
Feeling ko kasi nawawala na ako sa katinuan dahil sa pagka lumbay sa kanya.
"Alexis nasaan ka na ba? Sa akin ka lang ikakasal di ba?"
BINABASA MO ANG
HerShe
General FictionIs it just another chemical reaction? Or a true and unexplainable emotion? • The language of the story is taglish (mixture of tagalog and english) I'm not a professional writer so expect grammatical errors, typoghrapical errors, etc. This is creat...