↖(^▽^)↗
Jax Zavehri
Wala pang 10 minuto ay nakarating na agad ako sa HQ namin dito sa LWood gamit ang motor ko.
Hinayupak kasi itong mga membro ko, mga walang kwenta! Naunahan pa kami ng ibang grupo na makakuha ng lead sa misyon na para sa'kin mismo. Letche!
"Boss Calcifer!" Papuring bati sa'kin ng mga tauhan sa bungad.
"Nasa'n sila, Blue?!"
Agad namang pumasok sila Kurt (CD: Blue) sa kwartong kinaroroonan ko at nagbigay galang sa'kin.
"Nakahanda na po ang lahat, Boss." Matapang na pag-uulat nya.
Hihingi lang naman kami ng lead sa HQ ng Laguna kaya hindi na kailangang ng maraming tauhan.
"15 lang ang sasama. Gagamitin natin ang Van #1 at #2, ipahanda na sa taga-bantay." Agad naman silang kumilos lahat.
Magkakakilala at magkakaibigan kaming lahat dito. Pero sa oras ng misyon, operasyon o gera, lahat sila kailangang sumunod sa utos ko at protektahan ang sarili...
Matapos naming kumuha ng mga armas ay sumakay na kami at bumyahe papuntang sa HQ sa Laguna.
~~~
*Beep*
One message recieve
From: Jin Claix
Pre, nag-away ba kayo ni Lana? HB samin eh, hahaha!😂
8:57 PM
~
Compose Message
To: Jin Claix
Hindi naman. Baka PMS lang yan.
8:59 PM
~
One message recieve
From: Jin Claix
Gago! Sino daw yung Hannah? Tarantado, wag mong saktan tong bestfriend ko, woi!
9:05 PM
~
What?! Takte yan! Hannah is my member! Gf yun ni Kurt (Blue). Si Kurt yung tumawag kanina at inaasar ko lang sya!
Agad kong tinawagan ang number ni Lana, medyo matagal bago nya sagutin! >_<¦
"Oh?!" Halatang galit na sagot nya. Paktay ka, Jax!
"Galit ka ba, Babe? May problema ba?" Malambing na tanong ko. Agad namang nagtinginan ang mga ka-membro ko sa'kin! Nakakahiya!!
'Yes naman, Boss!' Kantyaw ni Ian (Akashi)
'Woi Calcifer! Pa-babe babe ka pa dyan ah?' Dagdag pa ni Chris (Naruto)
'Naks naman si Bestfriend! Gegera tayo tas lumablayp pa!' Huling kantyaw ni Kurt(Blue) tska sila nagtawanan! Peste!!
"Sino naman yang mga kasama mo ha?! Nandyan ba yung Hannah?! Asan ka ba?!" Sunod sunod na tanong ni Lana! Napaisip tuloy ako...
"Nagseselos ka ba, Babe?"
"What?! Hindi ah!! Letche ka talaga! Bakit naman ako magseselos?! Feeling mo naman napakagwapo mo! Ulul!" In denial... tsk tsk!
"Ms. Lana Zavehri, pwede bang kumalma ka? Nasa bahay lang ako at mga lalaki ang kasama ko." Malambing kong tugon sa kanya.
"Ewan ko sayo!" Huling sigaw nya tska binaba ang tawag. Tsk! Natawa tuloy ako sa inasal nya.
Compose Message
To: ❤Lana Babe❤
Wag ka ng magselos, babe! Ikaw lang po, promise! Hahaha! Iloveyou!
9:33 PM
~
One message recieve
From: ❤Lana Babe❤
Ulul mo! Hindi ako nagseselos! Tigilan mo nga yang 'babe' na yan! Di tayo, uy! Letche 'to! Tska ayoko sa mga sinungaling! Wala ka sa bahay! Nasa sasakyan ka!
9:36 PM
~
Hindi ko na lang sya ni-replyan, hindi kasi ako magaling magsinungaling, tsh! Pasyensya na, Lana. Hindi ko pa kayang magsabi ng totoo sayo.
Oo, aminado akong nahulog na agad ako sayo sa mga buwan na pinagsamahan natin. Pero hindi pa ako lubos na nagtitiwala sayo para sabihin ang lahat. At may mga bagay pa akong kailangang malaman tungkol sa'yo...

BINABASA MO ANG
GS#1: Forbidden Love (ON-EDITING)
Teen FictionWriter's Block and at the same time, it's my Gangster Series #1 ツ Lana Zavehri- Isang babaeng maangas na pula ang mga mata, hindi sya gangster pero 'yon ang tingin sa kanya ng iba. Handa syang lumaban at saktan lahat ng taong nakaharang sa tu...