22: Walang Title

13 2 0
                                    

[22] Walang Title





Lana Zavehri

Gustuhin man naming sumunod pa sa Tanay Camp, matatambakan lang kami ng gawain dito. Kaya minabuti na lang namin ni Jin na manatili dito sa Apartment/HQ namin dito sa LWood. Pinagplanuhan namin ang lahat para sa pagbabalik namin sa Underground. Sabik na sabik na akong makita at makasama muli ang aking kakambal.






Jax Zavehri



Huling araw na namin dito sa Tanay. Hindi na sumunod pa sila Lana dahil sa dami ng gawain nila.

Pero hindi pa rin maalis sa isipan ko ang narinig kong pangalan sa linya ni Lana kahapon. Ethan. Maliwanag na pagkakarinig ko.

Para hindi mag-alinlangan ay inutusan ko ang grupo ko para alamin ang lahat ng tungkol kay Lana. Naghihintay na lang ako ng tawag mula sa kanila.






*Kurt Calling...*

Speaking of the animal! Sinagot ko na agad ang kanyang tawag at tinanong ang mga impormasyong nakuha nila.

"Lana Zavehri. Pinalaki ng mga magulang nya pero nung 7year old sya, namatay ang Nanay nya. Nung 15 naman sya, bumigay na rin ang Tatay nya. Mula don, namuhay na sya kasama si Jin." Paunang ulat nya.

"'Yun lang? Wala ng iba?"

"Hmm... basic infos na lang yung iba." Sandali syang natahimik na tila nag-iisip kung may sasabihin pa sya o ano. "Kaya lang... wala akong makuhang Birth Certificate nya. Wala rin syang records nung bata pa sya. Ewan ko lang ah? Feeling ko kasi sinadyang burahin lahat ng mga info na hindi ko makuha." Seryosong sabi nya.

Pa'no naman kaya nangyari 'yon? May tinatago ka ba talaga, Lana?

Nagsabi ako kay Kurt na aasikasuhin ko ang bagay na ito pagnaka-uwi na ko. Matapos nun ay pinatay ko na ang tawag.

Ilang activities pa ang isinagawa bago kami tuluyang maka-uwi. Nasa isang bus kaming lahat at nagpapahinga dahil sa pare-pareho kaming pagod.

Habang nasa byahe ay minabuti kong matulog muna at makapag-isip isip.

Espesyal na ang tingin ko kay Lana. Habang tumatagal ay ayaw ko ng nawawala sya sa paningin ko. Handa na kaya akong mahalin ka ng buo?

GS#1: Forbidden Love (ON-EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon