21: Revelation

22 2 0
                                    

[21] Revelation




Lana Zavehri


"Ethan?" Naguguluhang tanong ni Jin mula sa pinanggalingan ng boses.

Tuluyan syang lumapit sa pwesto namin ni Jin. "Is this real?" Namamangha na nagtatakang tanong nya sa'kin.

Underground Battle Queen is my title. Nakamaskara kami kung lumaban at tanging mga mata lang nakikita. Mga pulang mata ko lamang ang nasisilayan nila.

Nasa panig kami ng lahat ng tama kaya naman tago kami kung lumaban. Paglabag kasi 'yon sa aming batas.

Napatingin sya sa tropeyo na nakakapagpatunay ng aking titulo. "Totoo nga. Tama nga ako..." mahinang pagbulong nya.

"Lana!!" Pasigaw na katok nila Alah mula sa tapat ng pintuan ng aking kwarto. "Nawawala si Ethan, boss!" Sigaw pa nila.

"He's here! Leave us alone." Sagot ko sa kanila.

Seryoso akong tumingin kay Ethan. "Hindi ka na makakalabas ng buhay dito lalo na't alam mo ang isa sa mga sekreto ko..." Seryoso kong saad. Handa akong patayin sya kung ipagkakalat nya ang sikreto ko.

Ngumisi muna si Ethan bago umupo sa sofa ko. "I have something to tell you." Sabi nya pa.

Napailing na lang ako. "Hindi ako interesado. Umalis ka na sa kwarto ko." Seryoso kong utos.

Natawa naman sya. "Kahit tungkol 'to sa kakambal mo?" Nangiiritang tanong nya.

Hindi na ako nagalinlangan pa at pinagbigyan sya. "Jin lumabas ka muna."

Napatayo naman si Jin mula sa pagkakaupo nya sa kama ko. "At ano?! Magtatago ka na naman sa'kin?! No, Lana! I'm gonna stay here!" Giit nya pa.

Napabuntong hininga na lang ako. Ghad, I'm torn!

"Start. 5minute to talk." Mariing utos ko kay Ethan.

Natawa naman lalo sya habang kami ni Jin ay magkatabi at seryosong nakatuon sa kanya. "Okay... Louie Zavehri is your twin. Parehas kayong nagmula sa ampunan. Na-ampon sya ng Founder namin, ng Secret Descendants. Inampon sya days before the burning fire happen." Natatawang panimula nya.

Tangina! Seryoso kami dito tas sya nakukuha pang tumawa?! Fuck this! "Alam na namin yan! I-advance mo naman ang pagkwe-kwento!" Naiiritang  sabat ni Jin.

Sumeryoso naman si Ethan. "Okay... Louie, your twin na akala mo patay na... he's alive. Under na sya ng organisasyon ng umampon sa kanya. May sarili syang grupo. Actually, sya ang lider ko. Pumayag sya mapasama sa organisasyon sa isang kondisyon. Yun ay ang mahanap ka." Kumunot bigla ang noo ko. Alam nyang buhay pa ako ng mga panahong iyon?

"Buong akala nya ay patay ka na. Not until nalaman nyang nakatakas kayo ni Jin mula sa sunog. Nawala ang dating sya. Pinalabas ng Founder namin, ni Aatrox na patay na si Louie. Pinalitan ang pangalan nya ngunit hindi ang apelyido nya." Tsk! Kaya pala ganun na ang nasa info nya...

"Gamit ang bagong sya, hinanap ka nya hanggang sa matagpuan ka nya. Ikaw, ang Underground Battle Queen ay ang kakambal nya. Binantayan ka namin. Ginawa namin ang lahat para makilala at malaman man lang ang tinitirhan mo pero mailap ka/kayo kaya nabigo kami... Isang gabi biglang nawala ka na lang at hindi na muling nagbalik sa Underground..." Halos pabulong na sabi nya.



Kilala nya ako! Damn! Kilala nya ako! Kasiyahan ang sumibol sa sistema ko. Buhay kami pareho at maaaring sa susunod na araw lang ay magkasama na kami.



Napangiti ako sa kanilang dalawa. "Saturday Night. Babalik ako sa Underground."

"So... pwede mo na 'kong pakawalan ngayon?" Tanong pa ni Ethan sa'kin.

Tumango naman ako. "Pwede ka ng umalis..." Pagkasabi ko pa lang nun ay lumabas na sya ng kwarto ko.

Napatingin sa'kin si Jin. "Maniniwala ka talaga sa kanya?" Batid kong si Ethan ang tinutukoy nya.

"Kailangan ko syang pagkatiwalaan." Nakasisigurong saad ko.

GS#1: Forbidden Love (ON-EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon