[19] Outsider
Jin Claix
Naging mabilis ang byahe namin patungong Antipolo. Naabutan naming nangingisay si Ethan, tumitirik ang mata at nahihirapan ng huminga. Nang makapasok sa Storage Room ay agad na tinanggal ni Lana ang duck tape sa bibig ni Ethan.
Bahagya pang sinuri ni L ang kabuuan ni Ethan pagkatapos ay nagikot-ikot sya sa kwarto na tila may hinahanap.
"Boss ano pa bang hinahanap mo?" Tanong pa ng ilang membro namin pero hindi sya pinansin ni L.
Maya maya pa'y lumapit si L kay Ethan na may hawak na pang-injection na nakuha nya kanina lang sa isang sulok. Saan naman kaya galing ang pang-injection na iyon? ?.?
Bumuntong hininga si L bago magsalita. "May tarantadong nakapasok. Sa palagay ko'y tinurukan nya ng gamot si Ethan. Expired, over-dosed at allergy si Ethan sa gamot na 'to. Isa pa may kung ano rin syang nilagay sa gamot." Tumingin sya kila Jerome bago magsalita ulit. "Dalin nyo sya sa Guest Room sa dulo. Lahat ng mga naiwan dito kanina nung wala kami... pumunta kayo sa Office ko." Seryosong saad nya at kumilos na ang lahat, kaming dalawa na lang natira ngayon dito.
Naglalabanan kami ng tingin. Kahit na naka-contact lense sya para matakpan ang pula nyang mata, nakikita ko pa rin na may mali sa mga mata nya. May kung anong gumugulo sa kanya.
"Bakit pilit mong sinasarili ang lahat? Kaibigan mo 'ko, Lana! Matalik na kaibigan!" Saad ko dahilan para umiwas sya ng tingin.
"Sumunod ka na opisina ko." Pag-iiwas nya tska ako iniwang mag-isa dito. Alam ko na 'to. Sya ngayon ang kaibigan kong si Lana na sinasarili ang lahat sa pag-aakalang kaya nya ang lahat ng mag-isa.
Pero nagkakamali sya. Hindi lahat ay makakaya nya ng mag-isa. Lalo na kung tungkol ito kay Louie.

BINABASA MO ANG
GS#1: Forbidden Love (ON-EDITING)
Teen FictionWriter's Block and at the same time, it's my Gangster Series #1 ツ Lana Zavehri- Isang babaeng maangas na pula ang mga mata, hindi sya gangster pero 'yon ang tingin sa kanya ng iba. Handa syang lumaban at saktan lahat ng taong nakaharang sa tu...