23: Glimpse

15 3 0
                                    

[23] Glimpse 




Jax Zavehri



Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Sabado na ngayon. Lahat kami ay naghahanda na para lumaban sa Underground Battle. At eto na naman ang punto ng buhay ko na aasa na naman akong baka sakali... baka sakaling makita ko ulit dito ang kambal ko... Prenteng nakaupo lang kami at naghihintay na tawagin ang aming mga pangalan upang lumaban. 




Habang naghihintay ay isang malakas na busina ang narinig namin. *insert busina hahahaaha*

"Si Queen yun ah?"

"Ngayon na lang ulit sya nakapunta dito"

"Ang angas nya talaga"

"Si Idol!"



Lahat ay nagbigay pugay ng pumasok na ang pinaguusapan nila. Pumasok sya kasabay ng mga lalaking nakamaskara tulad nya. Umupo sila sa pinakamataas na kinalalagyan ng upuan. Halos lahat ng membro ko ay napatingin sa'kin dahil alam nilang dapat ay kausapin ko na sya ngayon dahil kung hindi... baka mahuli pa ang lahat.




"Kausapin mo na sya. Wag mo ng pakawalan pa ang pagkakataon.." seryosong saad ni Kurt tsaka ako nginitian.




Habang may naglalaban sa gitna ay sinulit ko na ang pagkakataon at pumunta sa kinalalagyan nya. 




Ibang klase ang tibok ng puso ko habang papalapit ako ng papalapit sa kanya. Tangina! Ano tong nararamdaman ko?




Halos 3metro na lang ang layo namin sa isa't-isa ng sinulyapan nya ako. Pulang mga mata nya ang sumalubong sa'kin. Oo, pula. Natural ng pula ang mga mata nya mula pa pagkabata...




Nginitian ko sya at tuluyan ng lumapit sa kanya pero tila napahala sya sa ginawa ko at tumakbo pababa. Anong nangyari dun?





Lana Zavehri

Bakit sya nandito?! Letcheng pagkakataon naman oh! Bakit ba kase nandito si Jax? Hindi nya dapat ako makita dito eh =.=  Napilitan pa tuloy akong bumaba at itigil ang panunuod dahil sa kanya. Sumakay na ako sa Van at duon nagtago. Nagpalit na rin ako ng damit para hindi nya ako makita pa ulit.





*tok!* *TOK!* *TOK!*




Oh shittt...




Tanginaaaa!!! Bakit nya ako sinundan?! Umarte lang ako ng normal nang lumabas ako at  makaharap ko sya.


"Anong kailangan mo?" Shittt. Keep your cool, Lana. Keep your cool!


Ngumiti sya bago sumagot. "Pwede ba tayong mag-usap?" Bakit ba sya ngumingiti? Ang gwapo nya pa naman haysss! '-.-


Pilit kong iniiba ang boses ko para lang hindi nya ang makilala. "Wala tayong pag-uusapan."

Palakad na ko pabalik sa Van ng higitin nya ang pulso ko. "Ahh!" napadaing agad ako sa paghawak nya. Para kasing may tumusok saking kung ano.

"Shit. Sorry! Sorry!" naaaligang sabi nya at tinanggal ang micro knife sa gloves nya. Takteng lalaki to ah? Maglagay daw ba ng micro knofe sa gloves nya? Tsk. Nandadaya lang ata sila dito eh -_-

Nang mapagtanto kong dumudugo na ang palapulsuhan ko ay tumakbo na ko pabalik. Pero tanginaaaaa talgaaa!!!


Bakit nya pa ako nahabol agad?! 


"Tekaa!!" Sigaw nya tsaka hinigit ang braso ko kaya naman napaharap ako sa kanya.


Gulat na ekspresyon ang una kong napansin sa kanya. Sya tong naghihigit dyan tas sya tong magugulat?! Haysss! Ang gulo nya ah?!


Napabitaw sya sa pagkakahawak sa'kin at bahagyang napalayo. "La-- lan-- lana? Ikaw si..." 


Nagkatinginan kami sa mata ng isa't-isa. At sa mga mata nya... kitang kita ko ang isang imahe. Imahe ng tunay na itsura ng mukha ko.


  

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

  


"Queennnnnnn!!" Sigaw ni Jin sa di kalayuan at tinakbo ang pagitan namin.  Hinigit nya ako palayo kay Jax at itinago sa likod nya. Mabuti na lang at nakamaskara sya kaya hindi sya makikila ni Jax.


Gulat at hindi pa rin makapaniwala sa nakita si Jax. "Stay out of this. You don't dare mess up with us." matigas na sabi ni Jin sa kanya tsaka ako tinakbo pabalik sa Van. 


"Ano bang nagyari?!" Naitapon nya sa Backseat ang maskara nya sa sobrang inis.


Napailing na lang rin ako sa tanong nya. "Hindi ko alam... Hindi ko namalayaang natanggal sa'kin ang maskara ko...." Hindi rin ako makapaniwala sa nangyari...

GS#1: Forbidden Love (ON-EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon