[24] Who are you?
Jax Zavehri
Ayoko pa sanang pumasok ngayon Lunes dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko nung Sabado. Kamukhang-kamukha nya talaga si Lana eh! Kulay ng mata lang ang pinagkaiba nila. Ang mata kase ng nakasalamuha ko nung isang gabi ay pula at ang kulay naman ng mata ng kilala kong Lana ay gray. Takte! Gulong-gulo na ako!
*RMJSH*
Pagkapasok ko pa lang ay tanaw ko na ang nagkukumpulan at nagkakagulong tao sa Covered Court. Ano kayang meron?
"Ang angas ni Lana"
"Astig talaga ng DC"
"Panalo na tayo sa Riprisa nito!"
Sumingit ako sa mga tao hanggang sa makita ko nagpra-practice ang DC. Hayop sa galaw! Pero pinaka-astig at swabeng gumalaw si Lana na nasa gitna nila. Naka-focus lang ako sa kanya habang sumasayaw sya. Parehong pareho talaga sila eh. Kulay lang talaga ng mata yung pinagkaiba. Posible kayang may dalawang taong magkamukha pero magkaiba ang mata? Tsk.
Hinintay kong matapos sila bago ako lumapit sa kanya. "Hi, babe!" Bati ko sa kanya.
Medyo nagulat pa nga ata sya sa presensya ko kaya napatalon sya. "Oh? Bakit ka nandito?" Kabadong tanong nya.
"Pinanuod lang kita. Tara, pasok na tayo?"
"Huh? Oo sige. Magpapalit lang ako ng damit"
Sinamahan ko sya sa Locker nya para kumaha ng uniform nya. Hindi naman ako pwedeng sumama sa kanya pati sa CR kaya sayang kase no choice HAHAHAHAHA! Naghintay na lang tuloy ako sa kanya sa Hallway.
Day well spent. May tiwala ako kay Lana na wala syang tinatago sa'kin. Panatag akong hindi sya ang kapatid ko. And I'm willing now to love her completely...
***
Pagkarating ko sa HQ ay napaka-ingay na agad nila. Parang may Party na ewan eh -_-
"Oh ayan na pala si Boss eh!"
"Jax nandito na si Ethan, pre!"
Lumabas si Ethan mula sa Kusina namin na may hawak pang Empy....
"Long time no see, Boss Calcifer..." nakangising saad nya.
Kumunot naman ang noo ko. Parang walang nangyare ah? "Where have you been?"

BINABASA MO ANG
GS#1: Forbidden Love (ON-EDITING)
Teen FictionWriter's Block and at the same time, it's my Gangster Series #1 ツ Lana Zavehri- Isang babaeng maangas na pula ang mga mata, hindi sya gangster pero 'yon ang tingin sa kanya ng iba. Handa syang lumaban at saktan lahat ng taong nakaharang sa tu...