↖(^▽^)↗
Dumaan ang ordinaryong week. Ordinaryo para sa kanila pero nakakaputa para sa'kin! Ni hindi ako makagalaw ng maayos dahil sa mga katotohanang dinadala ko. Jusko! Baka nga isang araw, sumabog na lang lahat 'to at makapatay pa ko! Tsk!
"Oy Lana!" Nakakabinging pagsigaw ni Ani >.<
"Oo bes, salamat sa pakikinig ah?!" Sarkastikong saad pa nya
"L, you okay? Nung last week pa yan ah? We'll talk later." Sabi pa ni J sa'kin.
Lunch Break namin ngayon. Nasa iisang table lang kami nila Ani, J at Jax. Nasa tapat ko si Ani at nasa tabi ko si Jax.
Tumunog ang phone ko kaya lumayo muna ako sa kanila. Patago akong pumunta sa likod ng Spratly Building. Isang daretsyo, madilim at nakabukod ang building na 'to. Kadalasan dito ang mga Gangs ng school namin, madalas rin kami ni Jin dito. May sarili pa nga kaming RM dito eh!
"Boss... I already have the contacts." Ani ni Jerome mula sa kabilang linya.
May mahalaga at pibradong inutos kase ako sa kanya.
"Good. Wala ka bang pinagsabihan nito?" Naniniguradong tanong ko. Maski si J, hindi PA dapat malaman 'to.
"Wala po boss."
"Okay, good."
Matapos ibaba ang tawag ay lumabas na rin ako sa Building.
"Where have you been?" Naka-abang na tanong ni Jax.
"Dyan lang, kanina ka pa dito?"
"No, not really. Okay ka lang ba? Kanina ka pa nags-space out."
"I'm okay. Baka kulang lang ako sa tulog."
"Magpahinga ka rin kase, Lana. Let's go?" Nag-aalala ang tono nya kaya naman ngumiti ako at sabay na kaming bumalik sa Room namin.
Ilang minuto kaming timambay sa Room ng nagmamadaling tumakbo papunta sa upuan ko ang isa kong classmate.
"Lana, pinapatawag ka daw ni Ms. Layug sa Faculty Room." Sabi pa nya ng makaharap ako.
"Bakit daw?" Nakikiusosyong tanong nila Jax.
Nagkipit balikat na lang ako at pumunta sa Faculty Room para sa kasagutan. Bumati ako sa mga guro bago tuluyang dumaretsyo sa tapat ng table ni Ms. Layug.
"Good afternoon, Ma'am." Magalang na pagbati ko.
"Walang maganda sa hapon ko, Ms. Zavehri. Nakikita mo na ngang tambak ang mga gawain ko eh! Kaya para naman makatulong ka, eto ipamigay mo!" Masungit na tugon nya at nagbagsak ng sandamukal na papel sa tapat ko.
Agad ko naman itong binitbit ng maayos habang nagsasalita pa rin si Miss. "Mag-ikot ka sa buong Grade 11, bigyan mo lahat ng Waver ang mga Section na hawak ko, basahin kamo nila yan para walang tanong ng tanong. Hala sige, alis na!"
Tsk! Binitbit ko lahat ng mga Waver na binigay nya, halos hindi ko na nga makita ang daan sa dami ng dala ko.
Buti na lang talaga at nakasalubong ako ni Jax at tinulungan. Nauna naming dinala ang mga papel sa Room namin at ipinamigay.
Pumunta kami ni Jax sa harapan at ipinaliwanag ang lahat. "Hindi magtuturo si Ms. Layug ng MAPEH ngayon dahil marami daw syang gagawin. Pero pinapabigay nya ang mga Waver na 'yan. Nakasulat na daw dyan lahat. Kung may tanong pa kayo, sabihin nyo na lang sa'kin. Thankyou!"
"Lana, bakit isang bag lang dapat?!"
"Ay maganda to!"
"Dami namang chuchu ni Miss!"
"Excited na ko!"
Para makasabay sa mga usapan nila. Minabuti ko ng basahin ang nasa Waver.
◆◆◆
"WAVER --- SENIOR'S TANAY CAMPGood Day, Dear Parents! This is a Waver says that your daughter/son *insert name* has your approval to join the Tanay Camp for Senior High's! This will be held on September 16-18, 2016, at Tanay, Rizal, be sure you'll be here on school at exaltly 5:30 am. This is one of their requirment and also one of their project in my subject, MAPEH. I assure you their safe in the said location (Tanay, Rizal) I appreciate your cooperation.
From: Antonette Joyce Layug
YLC/ MAPEH TeacherP.S. Dear Students of Mine, please be ready for this and prepare only ONE baggage."
◆◆◆Puro excitement ang bumalot sa sistema ko ng mabasa ito! Nakakaexcite, sobra!
Tulad ng ginawa namin ni Jax sa Section namin, namigay rin kami ng mga Waver sa lahat ng Section na hawak ni Miss Layug.
Matapos nun ay umuwi na rin kami at pare-parehas na nag-ayos ng mga gamit para sa Camp bukas #^_^# *^O^* └(^o^)┘

BINABASA MO ANG
GS#1: Forbidden Love (ON-EDITING)
Teen FictionWriter's Block and at the same time, it's my Gangster Series #1 ツ Lana Zavehri- Isang babaeng maangas na pula ang mga mata, hindi sya gangster pero 'yon ang tingin sa kanya ng iba. Handa syang lumaban at saktan lahat ng taong nakaharang sa tu...