↖(^ω^)↗
Maaga akong gumising at naghanda para sa Tanay Camp namin. Pero nagbibihis pa lang ako ay paulit-ulit nang tumatawag sa'kin si Jax at Jin.
"Oh? Ang aga mo mambulabog!" Pasigaw na sagot ko sa tawag ni Jin.
"L, get ready. I'll be there 5 minute from now." Hala! Nagbibihis pa nga lang ako eh!
Tututol pa lang sana ako pero naputol na ang tawag!
◆◆
Eksaktong pagkatapos ko sa pagbibihis ang pagdating nya. Naka-loose crop top and faded blue jeans lang ako na tinernohan ko ng Black Adiddas ko."Bakit ba ang aga mo?! 5am pa lang oh!" Salubong ko kay Jin sa may pintuan.
Tsk. Inangasan nya ako bago sagutin. "Anong klase kang President ng SSC?! Hindi ka daw macontack ng Director kagabi!" Eh? Lowbatt yung kaya phone ko!! "Nakalimutan daw sabihin sa'tin na may meeting tayo at announcer tayo ng mga HS ngayon! Paano na pala ang mga taong umaasa sa'tin?! Kung wala ang isang tulad kong gwapo na VP ng SSC, baka nganga na tayo! Kung ano-ano kase pinagaatupag mo eh! Hindi muna tayo sasama sa Camp ngayon, baka sumunod na lang tayo bukas. Marami pa kase tayong aasikasuhin! Nagawa ko na ang ilan kagabi! Pero ikaw?! Ghad, L! Anong pinaggagagawa mo sa buhay mo?!" Ang lakas na nga ng boses nya, ang haba pa ng sinabi nya! Tas tatanungin nya lang pala ako.
"Eto nakatayo sa harap mo, nakikinig sa litanya mo. Tapos ka na ba?" Bored na sagot ko sa kanya.
Halatang nainis sya sa sagot ko dahil nagsisisigaw na sya. Pero dahil maangas ako, hindi ko na lang binigyang pansin ang pagaalburoto nya at kinuha na lang ang susi ko sa kwarto at saka dumaretsyo sa labas ng Apartment.
"Tsk! Salamat ka talaga bestfriend kita!" Sigaw ni Jin habang nilolock ang pinto ng Apartment ko.
◆◆5:15am◆◆
Pagkadating namin sa school ay dumaretsyo kami agad sa SSC Room. Nakakahiya, naghihintay pa ata kanina sila Director Faustino! ::>_<::"Good Morning, Director, Dean, Principal, and Teachers! Sorry for the wait." Mahinhing sabi ko.
"No, it's okay. Take your seat, you two." Sabi ni Dean kaya naman umupo na kami ni Jin.
"Ano po pala yung pag-uusapan natin?" Magalang na tanong ni Jin.
"Ahm. As you can notice, masyado ng nasasangkot ang ating paaralan sa iba't-ibang usapin. And it's all negative! Hindi ito nakakatulong sa ating paaralan." Naiiling na sabi samin ng Principal.
Binigyan kami ni J ng mga papel na may impormasyon ng mga balita na tinutukoy nila. '
'Pagsaksak ng isang taga-RMJSH sa isang kaestudyante nya'
'Sapakan ng mga taga-RMJSH'
'Batang nabuntis na estudyante ng RMJSH'
Etc.
Tsk tsk mga kabataan talaga ngayon -_-||
"Gusto sana naming gawan nyo ng paraan ang bagay na yan. Gawin nyo ang lahat para sa bagay na yan." Seryosong sabi ni Dean. Madali lang naman pala eh!
Nagkatinginan kami ni J tska sabay na tumango-tango kay Dean.
"Ay teka, bago ko pa makalimutan! Malapit na Riprisa at Inter High. Ms. Zavehri, as a SSC President, Dance Company President, Top Student of SH, and as a Varsity Player, nasayo lahat ng pressure. Isa ka sa ilalaban para sa Riprisa at lalaban ka rin sa Inter High.
And as for you Mr. Claix, dahil SSC Vice President ka at Varsity Player, kasama ka rin sa Inter High.
Iaannounce nyo ang lahat ng 'to mamaya sa Assembly. After the Senior's Tanay Camp, sisimulan na lahat ng preparations." Sabi pa samin ni Mr. Riego.
Jusko! Nakakapressure naman! ::>_<:: Matapos ng paguusap ay nagpatawag na ng Assembly ang Principal. Tulad ng napagkasunduan, inannounce namin ni J sa mga HS Students ang napagusapan. Nagsimula silang mag-ingay sa pagkaexcite sa mga sinasabi namin.
"That's all, Juniors! We are all looking forward to your supports for the up coming Riprisa and Inter High. Thankyou!" Huling sabi ko at umalis na kami ni Jin.
Inayos namin lahat ng kailangan para sa mga dadating na Event sa SSC Office...

BINABASA MO ANG
GS#1: Forbidden Love (ON-EDITING)
Teen FictionWriter's Block and at the same time, it's my Gangster Series #1 ツ Lana Zavehri- Isang babaeng maangas na pula ang mga mata, hindi sya gangster pero 'yon ang tingin sa kanya ng iba. Handa syang lumaban at saktan lahat ng taong nakaharang sa tu...