Prologue

41 2 0
                                    


"Please.. Help my son to be a happy man.....again.."

Ayan ang huli kong narinig sa Mommy ng lalakeng nakahiga sa harap ko ngayon.

Lalakeng walang malay, puno ng sugat, pasa, at mga nakasaksak na ewan sa kanya na nakakunekta sa apparatus na maya't maya ang tunog.

Walang ingay na maririnig sa loob ng kwartong ito kung hindi ang pagtunog lamang ng apparatus, ang paghinga ko at ang paghinga nya, syempre dahil yun sa ay buhay pa sya. Pinagmasdan ko ang lalake.

Hindi ko sya kilala sa muka maske sa pangalan nya.

Hindi ko pa sya nakikita kahit minsan.

Hindi ko pa sya nakakabangga.

At hindi ko pa sya nakakausap.

Wala akong alam na kahit ano sa kanya.

Hindi ko alam. Naguguluhan ako. Paano nga ba ako napasok sa problemang 'to? Paano nga ba ako nakapasok sa kwartong 'to? Paano nga ba ako nakausap ng magulang ng lalakeng 'to?

At..

Paano nga ba ako nakumbinse na maging dahilan ng muling pagsaya ng lalakeng 'to? At tulongang maka move-on sa girlfriendnyang hilaw. Hay....

.
.
.

Alam ko na!

Dahil sa isang aksidente.

Tama. Isang aksidenteng hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko.

Aksedente na muntik ko nang ikamatay at ikakulong.

Aksedente na dahilan kung bakit kailangan kong maging superhero para sa taong hindi ko 'manlang kilala. Para sa taong hindi ko alam ang buong historya.

At isang aksidente na pwedeng makatulong sa buhay ko para makaahon.

Pero tama nga ba itong gagawin ko?

Tama ba na gamitin ko ang yaman nila para lang makaahon sa buhay? At ito ang kapalit ng pagtulong na gagawin ko para sa kaniya?

Tama ba? 

Ewan ko. Hindi ko alam.

Pero kahit ano pa yan tutulong ako. Gagawin ko 'to para sa taong nagtangkang magpakamatay dahil iniwan sya ng tanong mahal nya at dahil na rin sa pakiusap ng magulang nya.

Pero tama bang lahat ng bagay may kapalit? Tama ba?

Sa panahon kasi ngayon wala munang love or happiness dahil kailangan mo munang mabuhay at makipagsapalaran para may makain ka at syempre para mabuhay ka.

Dahil sa panahon ngayon, wala nang libre!

Pero sa oras na ito, mukang kailangan kong ipagsama ang pagbuo ng happiness, love, at syempre ang

Paghahanap buhay.

Nothing More, Nothing Less. Trabaho LangWhere stories live. Discover now