CHAPTER 7

8 3 0
                                    

Allen Torres POV

Nakahiga na ako sa kama sa isa sa mga guest room na meron 'tong mansyon. Nakatulala lang ako sa kisame at hinihintay ang pag dating ni Tita Yan.

Tama nga ako, sobrang pag aalala ang nabigay ko kay Tita Yan. Muntik pa nyang ireport sa mga pulis na missing ako huhu. Pinaliwanag ko naman ang lahat kay Tita sa call pag uwi ko dito. She understand me naman at sabi pa niya dahil sa nangyari bibigyan nya na ako ng phone sa ayaw at sa gusto ko.

Feeling to talaga hindi na maganda 'to. Huhuhu

Nalaman ko na din na gising na ang anak ni Tita Yan na si Dylan. Kinakabahan ako lalo.

Hindi ko naman kasi talaga alam ang gagawin. Paano ba ako makakatulong? Paano ko ba sisimulan? Kasi naman payag ako ng payag pero hindi ko naman alam ang gagawin ko.

Hindi naman ako doctor, hndi rin naman ako albolaryo, at mas lalong wala akong kapangyarihan magpagalingin ang ganung kundisyon ng tao.

HELLO! HINDI AKO SUPER HERO. T_T

"I'll go home later iha, we'll talk."

Ayan ang huling sabi saakin ni Tita Yan sa telepono bago nya ibaba ito.

Kinakahaban ako. Ewan ko ba.

Wala pa akong plano kung paano ang gagawin ko. Paano nalang kung ayun pala yung pag uusapan namin ni Tita Yan? Pagsinabi ko na wala akong plano baka palayasin na nya ako dito. Saan ako titira? Kanila bakla? Waaaahhh! Pwede din. Pasamantala hihi

"Allen? Iha tawag ka na ni Madam Yan. Nasa sala na siya, hinihintay ka."sabi Nay Bet pagkatapos nyang kumatok sa kwarto na pinagtutuluyan ko. Isa siya sa pinagkakatiwalaan dito sa bahay.

Sa dalawang linggo na paninirahan ko dito sa bahay ng mga Dela Vega agad ko naman nakapalagayan ng loob ang mga tao dito. Madali naman silang pakisamahan dahil mababait sila, buti nalang talaga.

"Opo, susunod na po nay."

Ito na! Ito na talaga!










"Iha, may gusto sana akong sabihin sayo."panimula ni Tita Yan

Mygad Cassie! Kilala nyo yun? Si Cassie sa Kadenang Ginto? Whooo! Go Mondragons!

Kinakabahan ako, nanlalamig ang mga kamay ko, bakit naman ganito?

"Sige lang po Tita."

"Gusto ko sana na hindi malaman ng anak ko na tutulungan mo siya na makarecover, lalo na ang tungkol sa pakiusap ko sayo. Ayuko din sanang malaman ito ng asawa ko at ng kambal ni Dylan."

Napakunot ang noo ko. Si Tita talaga minsan hindi ko maintindihan. Saka kambal? May kambal si Dylan? Pogi din kaya? May abs din kaya? Woah ano ba yang iniisip ko! Anyway hmm ngayon ko lang nalaman ah. Sana all!

"Paano naman po yun tita?"

"This coming school year, I want you to enroll in the school where my son enrolled too as soon as possible."

Ehh? 2 months nalang bago ang enrollment. Paano?

"Tita, wala po akong pang enroll ngayong pasukan. Wala pa po akong nahahanap na trabaho. Wala pa po akong ipon para makapag—"

"Did you forget that I am here to help you?"

"Pero Tita, marami na po kayong natulong saakin kaya hindi ko po matatang—"

"Did I just tell you too that I can't accept but's and no Iha?"

"Pero Tita—"

"Listen iha, this thing is not only for you but also for my son. Ginagawa ko ito para maging maayos ang lahat. Because I know that once my son figures it out what we are doing. I am pretty sure that he will stop us and surely he'll get angry and rebel more."

Hindi na ako sumagot. Sabi ko na hindi maganda 'to eh.

"May binili na din akong condo unit na malapit dito iha, I want you to move there, because this is a secret agenda. You can't stay here."

Napa yuko lang ako. Hindi ko kasi talaga alam ang gagawin ko. TITA YAN NAMAN EEEHH.

"Iha."sabi ni Tita Yan at hinawakan ang kamay ko. Tumingin ako sa mga mata niya na puno ng pag asa.

"I trust you"










Nagpagulong gulong ako sa kama habang ginugulo ang buhok ko.

"MYGAD CASSIE! Anong gagawin ko? T_T"

Parang gustong mangyari ni Tita yan ay ang kungwaring aksidente na magkakilala kami ni Dylan. Tapos ano na mangyayari? Mygad! Scripted ang mangyayari. Nasan ba ang derektor, script writer, technical at audio manager ng buhay ko na 'to? Magsilabas kayo at ako naman gagawa ng buhay nyo! T_T Mamamatay kayong lahat! Huhu

"Hindi naman ako mangloloko ng tao diba? Diba?!—Shemay! Ugh!"sabi ko sabay gulo ulit ng buhok ko.

Kailangan ko muna matulog.





Nakalipas ang ilang araw at nakalipat na ako sa condo unit na binili ni Tita Yan para saakin. Ilang araw na din akong paikot ikot dito sa unit na 'to.

Nag iisip, nagpapakalma, at nagpaplano.

Ang kaso, hanggang ngayon ayaw gumana ng utak ko. Hindi ako makapag-concentrate dahil sa mga nangyayari sa buhay ko na hindi ko ma-digest.

Nabalitaan ko na din na nakalabas na ng hospital at uwi na ng bahay nila ang anak ni Tita Yan na si Dylan. Sabi ni tita, kunting araw nalang ang kailangan bago maging maayos ang katawan nya.

Physically okay but emotionally not.

Pano ko ba matutulungan ang isang kagaya nya?

"Iha, later I'll give you money for the school supplies you needed alright? I already bought you school uniform too. Here, take a look and try to fit it."

Si Tita Yan masyado atang nagmamadali. Kinuha ko naman yung paper bag na hawak nya.

"Tita, hindi po ba next month pa po ang pasukan?"

"Yeah, but it is better if we already have it before everything else."

Hindi na ako sumagot. Pwede naman kasi last week nalang ako mag asikaso ng mga ganito, madali lang naman 'to eh pero itong si Tita Yan masyadong excited. Hays. Hindi ko naman sila pineperahan diba? Tama! Hindi!

"Ah, Tita Yan? Kamusta na po pala yung anak niyo?"tanong ko. Nilapag ko muna yung paper bag sa tabi ko.

"His fine. Thank God. Nakakagalaw na siya mag isa and aside from that, he could eat by himself."sabi ni Tita habang may kinakalikot sa bag nya.

"Ah, mabuti naman po kung ganun."

Ako Tita Yan? Hindi niyo tatanungon kung okay lang ba ako? T_T

"Here. Bumili ka na ng mga kailangan mo sa school ah? And ahm, anything you want."sabi ni Tita sabay abot sakin ng pera.

Hays.

"O-opo"

Kahit labag sa loob tinanggap ko nalang ang inabot na pera saakin ni Tita Yan.

Nakukunsensya ako kahit wala naman akong ginagawang mali. Napakabigat sa pakiramdam ng ganito.

Feeling ko talaga muka akong pera.

Nothing More, Nothing Less. Trabaho LangWhere stories live. Discover now