CHAPTER 3

13 2 0
                                    

Allen Torres POV

"Torres?"

Nagtaka ako sa biglang pagkagulat ng muka ni Mrs. Dela Vega

"Bakit po? May problema po ba?"

"Iha? Are you the only daughter of Mrs. Athena and Mr. Liam Torres?"

So ayun po ano? Ako naman ang nagulat ngayon. Paano nya nakilala ang parents ko?

"O-opo? Pero? Paano nyo po nakilala ang parents ko?"

"I knew it! Kaya pala ang gaan ng loob ko sayo. Hahaha."

Huh? Ano? Teka?

"Sorry po Mrs. Dela Vega. Naguguluhan po ako."

Tumayo siya at nag lakad papunta sa pwesto ng anak niya.

"Your parents, I and my husband are best friends. A very true best friend."

Boom! Mas lalo akong nagulohan. Adik ba itong si Mrs. Dela Vega?

"Po? Papaano? P-patay na po sila... at... ako nalang po ang natitira."

"Yeah. I know and sorry to hear that. We're all best friend since birth. Haha cheesy to hear but that's true... and I've been looking for you since they both died. Then finally I accidentally meet you. Right here."Sabi niya saka bumalik sa pagkakaupo sa tabi ko na may mga saya sa kanyang mga mata na hindi ko maipaliwanag.

Buti pa si Mrs. Dela Vega masaya na. Ako? Ewan ko. Naguguluhan pa rin ako ng bongga.

"Po? Hindi ko po talaga maintindihan. Mahirap lang po kami. Mas mahirap pa nga po ako sa daga simula nung nawala sila. Hindi ko po talaga maintindihan. Paano po kayo naging mag kakaibigan? Paano po kayo nag kakilala? Saka, Hinahanap nyo po ako? Bakit po? May utang po ba ang mga magulang ko sa inyo? Kung meron 'man po sorry po talaga wala po muna ako ng pang bayad ngayon---"

"HAHAHAHA"Mrs. Dela Vega

Sinasabi ko na nga ba nag bibiro lang itong si Mrs. Dela Vega eh. Pero teka? Ako ba ay pinag loloko nito? Paano niya nakilala ang parents ko? Paano? Agrr! Ang gulo!

"Sorry hahaha you look like your mother. Hahaha Sorry I can't help it. Hahaha"

Okay?...

"Okay, I'm--Hahahah!"

Napa-facepalm nalang ako. May pwede ba akong makausap ng matino dito? Habang tumatawa si Mrs. Dela Vega dun napa tingin ako sa anak nya.

Hoy ikaw! Gumising ka dyan at kausapin mo ako, tulog ka ng tulog. Ayan hindi na tuloy makausap ng matino si Mommy mo. Nako!

"Hahaha. Okay, I'm sorry. Haha I just can't help it. I merely miss your mom."

Napatingin ako kay Mrs. Dela Vega. I saw tears in her eyes. Tears of joy? Kasi naman tawa ng tawa eh. Pero habang tumatagal padami na ng padami yung tubig na pumapatak. Grabe namang tears of joy yan, gripo na.

"Mrs. Dela Vega?"

Pinunasan niya yung mga luha niya pero hindi pa rin humihinto. OMG! Anong ginawa ko?

"M-Mrs. Dela Vega? Okay lang po ba kayo? May nagawa po ba ako?"natataranta kong tanong sabay lapit sa kanya at inakbayan ko siya ng payakap. Kapal ko 'no?

"Hahaha. Yes. I'm fine iha. I'm just missing your parents."

Umalis na ako sa pag kakaakbay yakap sa kanya pero hinihimas ko pa rin ang likod niya. Yuck what a term. Hahaha

"Mrs. Dela Vega. Pwede nyo po bang ipaliwanag saakin lahat?"

Hindi sumagot si Mrs. Dela Vega, pero makatapos ng ilang minuto, bumalik na ako sa pag kakaupo ko ng maayos. Tapos na ding mag punas ng luha si Mrs. Dela Vega. Nakakaloka. Kahit parent na siya hindi halata! Ang ganda niya pa rin kahit umiyak  pa siya. Walanjo! Matotomboy pa ata ako.

Nothing More, Nothing Less. Trabaho LangWhere stories live. Discover now