CHAPTER 6

11 2 0
                                    

Allen Torres POV

"Bakla ka! Akala ko naman kung sino!"sabi ko sabay hampas kay James.

"Ano ba bakla! Masakit huh. Bakit hindi ka nalang magpasalamat saakin?"

Buti nalang talaga dumating tong baklang 'to, kung hindi? Hindi ko talga alam gagawin ko.

"Teka nga muna bakla saan ka ba pupunta at nakakarating ka dito? Huh? Saka bakit nawala ka ng two weeks? Alam mo bang kung saan saan na kita hinanap? Pati bahay mo WALA NA kaya kinakaban na talaga ako kaya pinahanap na kita sa private investigator namin. Nakakaloka ka talaga."

James nga pala. Ang kaibigan kong bakla. Yes. He is gay. Ang gwapo sana niya kaso bakla siya eh. Nung unang kita ko sa kaniya crush ko siya pero nung kinausap niya ako? Walanjo! Bumagsak yung imagination ko na may gusto siya saakin kasi kinausap niya ako. HAYS! Iba na talaga ang mundo ngayon. Kaibigan ko na yan since elementary, palagi niya akong nililigtas at tinutulongan. Minsan iniisip ko baka super hero siya hahaha joke. Siya yung tumutulong saakin every time na nangangailangan ako kaso nung time na nangyari yung sa hospital chuchu WALA SIYA kaya ayan napahamak na naman ako.

Wait? May sinabi ba siyang private investigator? AY GRABE OA huh.

"Ano kasi bakla, mahabang istorya. Saka private investigator?! Grabe bakla huh, ang oa."sagot ko.

Nasa loob kami ngayon ng kotse niya papunta sa bahay nila. Lumipat na pala sila dito sa San Fernando Village. At yes, SILA kasi kasama nya daw ang buong family nya. Ang yaman talaga nila eh, palipat lipat nalang ng bahay.

"Ikwento mo na kaya ng matapos ka na. Saka syempre nag aalala na ako, I mean kami nila mommy, daddy at Janna, kasi hindi ka namin makita. Hays anyway, forget about it. Pauwi naman na us kaya makikita ka na ni mommy, matatawagan na yung private investigator na nakita ka na. Oh dali! Kwento na."sabi niya sabay taray kahit hindi naka tingin saakin. Hilain ko yang pilikmata mong mas mahaba pa saakin eh.

Itong bakla talaga na 'to. Nako. Natouch naman ako. Nag aalala sila saakin. Lalo na ang family niya, hays natutunaw yung puso ko. Naiiyak ako. Kilalang kilala na kasi ako ng pamilya nitong bakla na ito. Anak na nga din ang turing nila saakin eh, always ba naman akong nasa kanila, feel at home nga ako dun eh. HAHAHA makapal eh.

So ayun na nga, kwenento ko sa kaniya lahat ng nangyari, simula ng tumakas ako sa karinderya ni ate beauty dahil sa wala akong pang bayad, napunta ako sa hospital, pumasok ako sa isang kwarto, naligtas, may nalaman tungkol sa pamilya ko, pero napasok na naman sa isang hindi maipaliwanag na pangyari hanggang sa kanina na nakita niya ako sa gate ng village nila.

Natigilan siya saglit sa kwento ko sabay sigaw niya ng "Nakakaloka ka bakla!"

"Yeah I know. Hays. Kasalanan mo 'to eh."sabi ko

"Aba! Why me?"

"Wala ka kasi dun. Inuuna mo yung mga papa mo kaysa saakin. Hmmp."

"Ay bakla ang drama mo. Minsan lang nga ako lumadi eh."sagot niya saakin habang natatawa.

Hindi na ako nag salita. Nag tatampo talaga ako sa kaniya. Bestfriend ko wala sa tabi ko ng kailangan ko siya? Huh. Inuna pa yung mga lalake niya. Hmmp.

"Oy bakla! Sorry na. So ano? Gwapo naman yung anak ni Tita Yan?"

Tumingin ako sa kaniya ng masama kahit hindi niya nakikita.

"Maka Tita? Tita mo? Huh? Tita mo?"

Huminto yung sasakyan. Tapos tumingin saakin si bakla. Ako? Nag cross arms at tumingin sa puno sa labas. HUH Ang taray ng ate niyo! HAHAHA

"Bakla naman. Forgive me na kasi. Ito naman. Sorry na."paglalambing niya saakin.

Pasalamat siya bakla siya kung hindi pag iisapan ko talaga siya na may gusto saakin HAHAHA. Nag iinarte lang talaga ako, hindi naman big deal saakin na wala siya nun, syempre may kanya kanya tayong buhay. Hindi naman pwedeng hindi siya mawala sa tabi ko kahit sandali. Pero hahayaan ko siya, nang meron akong matanggap na peace offering sa kaniya. HAHAHA

Nothing More, Nothing Less. Trabaho LangWhere stories live. Discover now