Allen Torres POV
"Excuse me! Excuse me! Paadaan naman po! Kailangan po ako sa ER!"sigaw ko.
Pero yung mga taong nakaharang sa daraanan ko imbes na tumabi na eh tinignan muna ako mula ulo hanghang paa.
Patay!
Oo! Patay! Patay talaga ako hindi yung pasyente dun sa ER dahil hindi naman talaga ako kailangan dun at mas lalong hindi ako nurse or doctor. Ang gusto ko lang eh tumabi sila dahil may humahabol sakin!
"A-ah, ano po makikiraan po ako."
Nang sabihin ko yan, tumabi nalang sila at pinadaan ako. Whu! Salamat! Tumakbo na ulit ako at naghanap ng malulusutan.
"Saan naman kaya?"bulong ko habang nagpapalingalinga at naghanap ng pwedeng puntahan.
"Hoy! Babae! Bumalik ka dito! Bayaran mo yung kinainan mo!"sigaw nang humahabol sakin.
Ito na nga ba ang sinasabi ko eh! Napahinto ako at namili kong saan ba ako dadaan kung sa kanan ba or kaliwa...
"Ah! Bahala na!"
So, pinili ko nalang sa kaliwa. Ang talino ko naman kasi eh! Sa dinami dami pa nang pwedeng pasokan na lugar eh sa HOSPITAL pa ako pumasok para lang magtago at tumakas.
Oo! HOSPITAL. Hay. Ang galing ko 'no? Dito ko pa ginustong pumasok para lang takasan yung mga humahabol sakin. And do you want to know who are they? Oh!
Sila lang naman yung mga mayari nung karenderya dun sa kanto na tinakasan ko dahil... wala ako pangbayad! Hay life! HAHAHAH!!
"Hoy! Magbayad ka babae!"
"Sige! Pagnahabol nyo ako! HAHAHA!!"
Ayan kasi, mga hindi nag babawas ng timbang eh! Hindi tuloy ako mahabol. Hays. HAHAHA!
Nagpalinga-linga ulit ako at naghanap ng daan hanggang sa..
"Anak ng Death-end!"
Oo! Death-end talaga! Hindi Dead end! Wah! Katapusan ko na! Kulong na ako nito for sure! Huhubels!
Pero hindi! Alam ko! Alam kong makakagawa ako ng paraan! Yeah! Don't lose hope Allen Torres! Fight! Fight! Fight!
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid na baka meron pang pwedeng puntahan or pwedeng mapagtagutan.
Nung pag-ikot ko saktong nakakita ako ng pinto. So I grabbed the chance na pumasok dun. Wala eh. Nasa bingit na ako ng pagkakulong at kamatayan! Pakapalan nalang ng muka 'to!
Pagkahawak ko sa doorknob pinihit ko agad ito at sabay bukas pasok sa loob at sabay sarado ng pinto.
"Haaaayyyy!"hinga ko ng malalim at pumikit. "Muntik na! Hahaha!"
Naisandal ko ang noo ko sa pinto habang patuloy paring tumatawa.
"Hays! Muntik na naman ak---"
"Excuse me Miss?"
Napahinto ako sa pagtawa at natigilan sa lahat. Teka? B-boses ba yun?
"Miss?"
Anak ng! Boses nga! Ang epic naman nito! Dahan dahan akong humarap sa tumatawag saakin at nang tuluyan na akong napatingin sa kanya I mean sa KANILA. Yes! Sa KANILA kasi sobrang dami nila.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa kahihiyan.
Sobrang dami nilang nasa harap ko at nakatingin saakin na para bang anytime susugurin nila ako. =_=
Tingin ko lahat ata ng kamag-anak ng pasyente ay nandito na. Whu! Ano 'to? Ginawa nang baranggay ng magkakamag-anak? Grabe lang mga people huh!
"S-sorry po. Wrong room."sabi ko nalang sabay bow at pihit na ang doorknob at lumabas.
Wala na akong narinig na salita or what so ever galing sa kanila kaya deretso lang talaga ako sa paglabas. Nang makalabas na ako ng kwarto, muka akong sira habang pinapalo ang sarili dahil sa kahihiyan.
Maya maya nag sink in ulit sa utak ko na may humabahabol pa pala sakin kaya nag madali na akong tumakbo kung saan.
Ang tawag dito.. BAHALA NA SI LORD.
Hala takbo Allen pasaway!
Takbo lang ako ng takbo hanggang sa dumating sa point na nagkasalubongan kami pagkaliko ko. Ayun! Sigawan!
"Ayon ang babae!"sila.
"Wah! Patay!"me.
Agad akong umatras at tinakbo ko ulit kung saan ako galing kanina. Shems! Paano na 'to? Corner ulit ako? Huhubels! Ayaw ko pang makulong dahil sa 36 pesos na hindi ko mabayad bayaran!
Hindi naman pwedeng may lumabas sa news paper na...
'Umaalab na balita, Isang babae, nakulong dahil sa hindi pagbabayad ng 36 pesos sa kinain nyang pagkain sa Ate Beauty's Karenderya. Wag tularan. Walang pangbayad.'
Oh! Ang panget diba?! Hindi pwede yun! Huhuhu!!
Kaya kailangan talaga makagawa ako ng paraan! Habang tumatakbo ako pabalik naalala kong meron pa pala akong nadaanan na kwarto kanina kaya yun agad ang pinuntahan ko at pakapalan na naman ito ng muka. Whu! Sana walang tao.
Nang makarating ako sa kwartong yun tinignan ko muna yung pinto kung meron bang nakalagay na name ng pasyente.
Omg thank you Lord!
Nung wala akong nakita deretso pasok na agad ako, eh baka makita pa nila akong nasa labas eh.
Nang makapasok ako sa loob naka deem lang ang mga ilaw habang may tumutunog na aparato.
"May pasyente?"bulong ko.
YOU ARE READING
Nothing More, Nothing Less. Trabaho Lang
FanfictionNothing last forever, We can change the future -Alucard.