CHAPTER 4

11 2 0
                                    

Allen Torres POV

Nag bago?

"Bakit po siya nag bago?"

"Because of Love."

Napa kunot ako ng noo. Anak ng! Dahil lang sa pag ibig nag bago siya at mag papakamatay siya? Adik lang bes?

"Pag ibig po? As in relationship as girlfriend and boyfriend po ganun?"

Nako kung tama ang nasa isip ko. Aba baliw nga siya. Isa siya sa mga taong napapanuod ko sa t.v at nababasa ko sa nga kwento kwento na sobrang tanga para mag pakamatay. Hello? Ang dami pa kayang babae sa mundo. Hindi lang naman yung babaeng minahal niya na iniwan siya o iniwan niya. Psh hindi ko talaga maintindihan ang mga nag mamahal. Buti nalang ako hindi pa ako pumasok sa isang relasyon.

Nakakabaliw.

"Yes."

Lumaki yung mata ko. Boom! Pak ganern! Tompak nga. Isa siyang takas sa mental ng mga baliw na nag mahal ng bongga.

"Pasensya na po Mrs. Dela Vega huh. Yang anak nyo po? Paano?"

Ang chismosa ko ano? Eh bakit ba? Si Mrs. Dela Vega naman ang nagsimula. Hindi nga ako nagtatanong about sa nangyari sa anak niya eh. Sadyang madaldal itong si Mrs. Dela Vega HAHAHA. Pero paano? Sa itusra nitong lalakeng to muka siya pa yung mangwawasak ng puso ng babae eh.

Diba? Lahat ng gwapo mangloloko? HAHAHAHA okay. Enough nilalahat ko. Sorry na.

"Iniwan kasi siya ng girlfriend niya. His eight years girlfriend."

Mas lalo akong na shock! Hello? Eight years? Ang tagal na nun! Talaga ngang mag papakamatay itong anak ni Mrs. Dela Vega. Pero mas malala pa rin yung problema ko duh!

"Seryoso po?"

"Yes. Come, lets sit. I'll tell you everything."

Sasabihin o ichichismis? Char. Hahaha kasi naman ngayon niya lang ako nakilala hindi ba? Kahit na kilala niya ang parents ko at mag be-best friend pa sila, grabe naman ang tiwala ni Mrs. Dela Vega saakin na ngayon lang niya nakilala?

Malay mo pala drug pusher ako tapos nag papanggap lang ako na ako pala yung sinasabi niyang anak talaga ng best friend niya. hahaha pero seryoso. Parents ko talaga yung sinabi niya. Wait. Hindi pa nga niya nakwekwento yung sa connection ng parents ko at nila, tapos bagong story na naman? Baka sumabog utak ko ngayong araw. Hahaha

"Seryoso po ulit kayo? Baka po kasi sobrang private po pala ng story ng anak nyo tapos sasabihin nyo po saakin. Baka po magalit siya."

"No. He wouldn't"

Oh! May parent consent to huh! Wag kayo!

"Okay po."

Ang pilit ni Mrs. Dela Vega eh. HAHAHA makikinig nalang ako. Hindi ko naman ipagkakalat eh. Saka hindi naman siguro ngayon gigising ang anak niya, hindi naman siguro kami niyan maririnig. Naglakad na kami ni Mrs. Dela Vega papunta sa inupuan namin kanina. Ayan naaa! Story telling na. Ready na ba kayo mga bata? Hahaha Joke seryoso na.

"His eight years girlfriend left him because Francine his ex girlfriend, want to go to New Zealand to pursue her dreams. Then suddenly, when she already in the NZ, I just heard Francine broke up with Dylan with no reason and clue." ohh Dylan pala name ni kuya mong boy.

Okay nosebleed! Pahinging tissue nag dudugo yung ilong ko!

"Walang rason po?"

"Yes. Nakita ko nalang ang anak ko na nagpapakalunod sa alak. I ask him why, but he refuse to answer me. Umiiwas ang anak ko sakin."

Nothing More, Nothing Less. Trabaho LangWhere stories live. Discover now