CHAPTER 5

16 2 0
                                    

Allen Torres POV

Nag daan ang dalawang linggo.

Nandito pa rin ako nag babantay sa anak ni Tita Yan. Yeah! Dahil nga makapal ako Tita na ang tawag ko sa kaniya, at sa asawa naman niya syempre Tito Miguel HAHAHA makapal nga kasi ako. Ano ba? Buhay pa pala yung asawa ni Tita Yan, nag overthinking lang talaga ako nung nakaraan, nasa ibang bansa lang pala si Tito Miguel, akala ko kasi ibang planeta na HAHAHA.

Naglakad ako papalapit sa anak ni Tita Yan na hanggang ngayon hindi pa rin gumigising. Dalawang linggo na, grabe ito matulog. Gagayahin niya ata si Sleeping Beauty eh, pero hello nasan na yung prinsesa niya? Ang tagal naman. Hahaha. Inayos ko yung pagkakakumot niya. Nagiguilty pa rin ako sa mga ginagawa ako.

Hanggang ngayon ang bigat pa rin ng dinadala ko. Felling ko talaga ang sama ko. Hays, every time na hahawakan ko yung anak ni Tita Yan, hindi pa rin ako mapakali. Para kasing mali itong ginagawa ko. Mali lahat ng ito. Pero ano pa bang magagawa ko? Napa oo na ako kay Tita Yan at nangako din ako.

Sa dalawang linggo na lumipas, madami nang nag bago sa buhay ko. Marami nang nadagdag sa mga pangangailangan ko katulad nga ng sabi ni Tita Yan. Ayoko kong tanggapin lahat ng binibigay niya nung una kasi sobra sobra na pero wala naman akong magagawa. Ang sabi ko pa nga tutulong nalang ako ng walang kapalit pero ang sagot lang ni Tita Yan saakin,

"Hindi. This is all yours. No buts and no, Allen." Kaya wala na talaga akong nagawa 

Kung saan ako natutulog at nakikitira? Sa bahay din nila. MAKAPAL NGA KASI AKO. Pero sa totoo lang talaga ayaw ko dun, hello may sarili naman akong bahay bakit pa ako makikitulog sa kanila o makikitira diba? Pero nung bumalik ako dun sa tinitirhan ko WALA NA! Giniba na sya, ang sabi ng mga kapitbahay ko dun, hindi naman sinira yung mga bahay nila sadyang yung saakin lang talaga. Hays husay diba? May bumili daw ng lupa na yun then papatayuan ng bagong bahay. Hindi ba nakakagigil?! Hindi 'man lang nag paalam saakin? Pero wala na akong nagawa wala na din naman ang ipaglalaban ko kaya ayun buong kapal ng muka ako bumalik sa kanila Tita Yan para dun makitira at syempre para di na sila gumastos pa ng isa pang bahay para saakin. Mamaya bigyan na naman ako. EH SOBRANG KAPAL KO NA NUN.

Hindi rin naman saakin yung lupa kaya wala na akong apila.

Kung paano yung mga gamit ko? Wala na din I mean yung mga mahahalagang gamit ko nalang ang nasa akin ngayon, nakita ko kasing nasa kalsada na yun kaya kinuha ko. Yung ibang gamit ko naman, wala na din, sinama dun sa sinirang bahay ko. Gusto ko ngang mag wala nung araw na yun kasi pati yung mga gamit ko na pinag-ipunan ko ng bongga nawala sa isang iglap, kaso bakit pa ako mag wawala diba? Kung kaylan sira na ang lahat? Useless din. Magpapagod lang ako dun at mag sasayang ng laway. Hindi naman 'nun mababalik ang lahat ng gamit ko na nasira. Hindi rin naman ako papansinin ng bumili ng lupa o nung may ari ng lupa. HANGGIN NGA LANG AKO EH. Hangin. Psh.

Nakakalungkot lang dahil madami na akong nabuong memories dun kasama ang SARILI ko tapos mawawala ng ganun nalang diba? Ang sakit.

"Iha."

Nagulat ako sa biglang pagsulpot nitong si Tita Yan. Nag dadrama pa ako dito Tita singit ka naman eh. *pout*

"Tita.."

"Okay ka lang ba? Gusto mo bang mag pahinga muna? Umuwi ka muna. Kahapon ka pa nandito."sabi niya saakin.

Kahapon pa nga. Hindi pa nga ako naliligo HAHAHA Ang baho ko na, nahiya naman daw ako sa amoy ni Tita Yan.

"Okay lang po ba Tita?"nag tanong pa ako 'no? Siya na nga nag suggest Allen eh. 

"Yes of course iha, it's alright. Go. You also need some rest. Mamaya ikaw naman ang pumalit sa pwesto ni Dylan, hindi pwede yun kaya umuwi ka na muna. Nasa baba lang si Mang Dino he can take you home."

Nothing More, Nothing Less. Trabaho LangWhere stories live. Discover now