CHAPTER 2

19 2 0
                                    

Allen Torres POV 

"May pasyente?"

Eh bakit walang naka lagay na pangalan sa labas? Bakit ang dilim naman dito? Bakit siya nandito? Bakit wala siyang kasama? Bakit nag iisa lang siya? Teka? BAKIT ANG DAMI KONG TANONG? 

Nasapo ko nalang ang noo ko at dahan dahang naglakad papalapit dun sa pasyente.

"Whoa--"bigla kong tinakpan ang napaka ingay kong bibig.

Bakit naman may anghel dito sa lupa? Wait teka? Naabutan ba ako nung mga humahabol saakin ng hindi ko alam? Teka? Patay na ba ako? Kinurot ko yung sarili ko.

"Aray huhu T_T" bulong ko.

BUHAY PA AKO.

Pero bakit may anghel na agad sa harapan ko?!

Dahan dahan kong nilalapit yung kamay ko sa pasyenteng anghel na ito kaso..

"Hanapin nyo yun! Nandyan lang yun sa paligid! O hindi kaya nasa kwarto kwarto!"

Rinig ko sa labas.

"Anak ng." T_T

Dali dali akong pumunta sa kabilang side ng bed nitong pasyente at yumuko para magtago. Bakit naman kasi hindi nalang nila palagpasin yung 36 pesos na hindi ko mabayaran? Malulugi ba agad sila dun at kailangan pa talaga nila akong hanapin ng ganito katinde?

*door open*

HALA AYAN NA SILA!

Lord patawarin nyo po ako sa lahat ng nagawa kong kasalanan lalo na po sa hindi pagbayad ng kinainan ko na nagkakahalaga ng 36 pesos. Kung hanggang dito nalang po talaga ang buhay ko sana po kapag nagkita na po tayong dalawa ay makita ko na din po ang mga mahal ko sa buhay, lalo na po ang mga parents ko. Pero Lord kung hindi pa po ito ang oras ko Lord kayo na po ang bahala saakin kung mapunta man po ako sa kulungan o paghugasin man po nila ako ng pingan. Pero Lord gusto ko pa rin pong mabu---

"Iha?"

WALA NA NAKITA NA NILA AKO! HUHUHU

Nakayuko pa rin ako dito na mukang nag dadasal habang nanginginig ang buong katawan ko. Hinihintay ko nalang talaga na may humataw saakin na kung ano o kaladkarin ako. Hindi ko alam kung hanggang saan nalang ba ako.

SA LAHAT NG MAIIWAN KO! GOODBYE! MAHAL--

"Iha ayos ka lang ba?"

Napahinto ako sa kadramahan ko. Napamulat ako ng mata pero nakayuko pa rin ang ulo ko.

Bakit ang lambing ng boses niya? Bakit concern pa siya saakin? Bakit hindi pa nila ako hinahataw o kinakaladkad? BAKIIIT?!

"Iha?"sabi niya saka niya ako hinawakan sa braso. Dun na ako napatingin sa muka ng nasa harap ko.

ISANG ANGHEL NA NAMAN PO!

Nothing More, Nothing Less. Trabaho LangWhere stories live. Discover now