CHAPTER 8

5 1 0
                                    

Allen Torres POV

"3,347 pesos po Mam"sabi ni ateng nasa kahera.

Nag abot naman ako ng pera. Maygad kung sa palengke 'to hindi pa 'to aabot ng limang daan.

Lumabas ako sa National Book Store pagkakuha ko ng resibo kay ateng kahera.

Like what Tita Yan want me to do, bumili na ako ng mga gamit sa school, extra damit for school, sapatos for school at ahm basta mga kailangan sa school kahit mabigat sa loob ko ginawa ko na, aba sayang kasi. Nandyan na yung blessings hindi ko pa i-grab diba?

Napag isip-isip ko din nitong mga nakaraang araw na okay din naman pala 'tong set up namin. Pareparehas kaming makikinabang sa mga pangyayari.

Makakapag aral ako, gagaling siya. Mabubuhay ako, makakalimot siya. Magiging maayos ang buhay ko, magiging okay din ang kaniya. At magiging okay si Tita Yan kaya nothing to worry about.

Hindi ko na pipigilan si Tita Yan sa mga gusto niya pero syempre, I'll do my job too.

*ring-ring*

Kinuha ko naman yung phone na binigay sakin ni Tita Yan at sinagot agad ito. Alam ko naman kung sino ang tumatawag kaya di na ako nag abalang tignan kung sino yun. Iisang number palang naman ang naka phone book dito.

["Iha? Where are you?"]

"Nasa mall po Tita, bakit po?"

Ano na naman kayang trip nito ni Tita?

["Nah, I'm just checking you."]

Maaalalahanin talaga 'tong si Tita Yan

"Hahaha, alright po. Magtetext nalang po ako Tita kapag nasa condo na po ako"

["Okay then, be careful."]Ganyan si Tita Yan, everyday chinecheck ako.

Tita Yan don't worry hindi ako tatakbo, hindi ko tatakbohan ang gwapo nyong anak kagaya ng ex nya. Ehem.

Naglibot libot muna ako sa mall. Ayoko pang umuwi sa condo, wala din naman akong gagawin dun. Isa pa nakakapagod tumunganga ng maghapon kahit wala kang ginagawa.

Ano kayang mangyayari sa first day ko sa school? Paano kayang plano ang gagawin ko para nakilala ako nung anak ni Tita Yan?

Geez. Alam mo yung feeling na naglalakad lakad ka sa mall para mag aliw aliw pero yung isip mo lumilipad para sa plano kung paano kikilalanin yung anak ng Tita Yan. Whuuu maygad cassie! Bahala na nga-

"Aray!"sabi ko pagkalapat ng pwet ko sa lapag.

Pashneya naman oh! Ang sakit kaya!

"Tss stupid."

Tumingala ako sa nagsalita. Ako pa stupid ah!

Teka?

"Dylan?"

"Do you know-"hindi na nya natuloy yung sasabihin nya kasi sumabat na ako.

Napakunot noo ko. Napaka angas naman pala ng anak ni Tita Yan, kakagising lang nandito na agad sa mall. Pagala gala lang akala mo walang nangyari sa kaniya nitong nakaraang buwan.

Kailangan pa ba niya ako?

"hi-hiindi no! Paano naman kita naging kakilala? Ako ba kilala mo? Hindi diba? So paano kita makikilala? S-saka ang s-sabi ko kanina eh da-dyan ka lang ba? Titingin ka lang? Hindi mo ako tutulongan?! Aba ikaw 'tong nakabang tapos-HOY! Saan ka pupunta?! Di mo 'man lang talaga ako tutulongan?! Aba walangya!"

Nothing More, Nothing Less. Trabaho LangWhere stories live. Discover now