3

37 2 1
                                    

"If you could only see my yearnings and concerns that I've been hiding inside."


※※※※※


Wala akong ginawa kagabi kundi umiyak nang umiyak. Ang ending? Namamagang mata paggising. Grabe!! Para akong kinagat ng ipis sa dalawang mata! As in giant ipis! Hayy, pero at least. At least naiyak ko na lahat ng sakit na nararamdaman ko. Oras na para mag-move on.


Gumilid ako para kuhain yung phone ko pero bumungad sa akin yung frame na may picture naming dalawa ni Aice. Walang kaabog-abog na tinaob ko yun at saka kinuha yung phone ko. Alas otso palang naman ng umaga. Twelve pa yung pasok ko kaya madami pa akong oras.


Tumayo ako at ginawa muna yung morning rituals ko. Alam niyo naman na yun diba? Pinusod ko na din yung buhok ko para di ako mahirapan sa gagawin ko.


Dumerecho ako sa in-tack wall closet ko at tinignan lahat ng ilalim ng damit ko. Aha! Love letters ni Aice. Kinuha ko agad yun at nilagay sa malaking plastic bag. Kinuha ko din lahat ng roses na bigay niya sakin. Naka-preserve kasi yun sa cabinet. Tinanggal ko lahat ng pictures niya sa mirror ko. Pati yung pictures namin na nasa frames tinanggal ko na din. Yung mga regalo niyang stuff toys, dinispatcha ko na din. Mamaya itatae ko lahat ng chocolates at mga nilibre niya saking pagkain.


Nakapuno na ako ng dalawang plastic bags nang may maalala ako. Lumapit ako sa jewelry box ko at binuksan yun. Kinuha ko yung necklace na bigay niya sakin nung araw na sinagot ko siya. It is so memorable na nahihirapan akong magdecide kung isasama ko ba siya sa itatapon o hindi. But at the end, binato ko siya sa plastic bag.


Pinagmasdan ko ang newly renovated kong kwarto. Nag cozy na niyang tignan.


"Woah ate, ang linis ng kwarto a?" nandito pala si Yvo, di ko man lang namalayan. "This is better." dagdag pa niya. Tinignan ko naman siya at nginitian. How I love my baby boy.


"Why are you here?" tanong ko at binuhat na yung plastic bags para dalhin sa baba.


"I was about to wake you up. Pero gising ka na pala." he answered. I smiled. Nako, four years ko nang alarm clock tong si Yvo. And I'm thankful about it. "Ate, gawa mo naman ako pancakes o? Chocolate flavor please?" kaya ayan, never ko siyang matanggihan. Lalo na ngayon at naka-puppy eyes siya. Ang cute!!


Gustuhin ko mang pisilin yung cheeks niya pero occupied na yung dalawang kamay ko. "Sige, i'll make you one. Wait for me, itatapon ko lang lahat to." I am pertaining to Aice's stuffs. Di ko na siya susunugin. Ang typical e tyaka nakakatamad.


Tinapon ko agad yung basura at dumerecho na sa kitchen. I washed my hands and started to make Yvo's chocolate pancake.


"Here baby Yvo." nilapag ko sa mesa yung Chocolate Pancakes niya. Nakita kong nagningning ang mga mata niya. So cute!


"The best ka talaga ate!" at saka nilantakan yung ginawa ko. "Oo nga pala, I squeezed you some Calamansi Juice. Nasa ref."

FACEBOOK CHATMATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon