"All I could do is to write messages for you saying "I love you"."
※※※※※
"Guysxzsxszx!" naglulupasay nako sa sahig ng kwarto ni Eeya. Nandito kami ngayon para gumawa ng assignment. E nabanggit ko yung pagyaya sakin ni Arc, pero yung tatlo mga walang response! "Samahan niyo na kasi ako! Please? Hmm?" hinila-hila ko yung damit nung tatlo. Pumayag na kayo please?
"Hay nako Ryry? Bakit biglaan?" reklamo ni Eeya. "Okay lang naman sana e, kaso may quiz tayo sa Monday sa Foreign Language. Kamusta naman diba?"
"Ako okay lang sakin." tinignan ko yung anghel na nagsalita. Omyghad Rei! "Sasayaw din kasi sila James dun. Pinapapunta niya din ako." ibig sabihin, kalaban ng Seven Scouts na grupo nila Arc yung Boys of Army na grupo nila James? E parehas kino-cover nila e.
"Arrrrg!" nahampas ni Jorie yung libro na hawak niya. "Sige, sasama kami sa inyo basta i-tutor nyo kami? Deal?"
Nagkatinginan kami ni Rei atsaka tumingin dun sa dalawa. "Deal!" we said in chorus.
"Oo nga pala, bago ko malimutan. Guest dun yung grupo nila Ken at Eric. Siguro naman pupunta na talaga kayo nang walang atrasan." napangisi ako. Tinignan ko yung mukha nung dalawa, mga biglang namula. Haha! I won this time.
※※※
"Hoy nasan na kayo? Baka di na natin maabutang nagpe-perform yung mga yun!" bungad ko agad sa dalawang babaeng kausap ko sa phone. Jusko naman kasi! Napakababagal magsikilos! "Magkasama na kami ni Rei dito."
"Nakooo! Mga di kayo magkamayaw na makita ang mga baby niyo no?" sagot ni Eeya sa phone. Kung katabi ko lang to baka nabatukan ko na to.
"Gaga! Ang deep naman nun! Excited lang naman kami." singit na sagot ni Rei. Naka-loudspeaker kasi kaya naririnig din namin.
"Gaga! Parehas lang yun!" narinig naming nagtawanan sa kabilang linya yung dalawa. "Minsan natatanga din talaga ang mga matatalino. Hahaha!" dagdag pa nito.
"Edi shing!" bulong nitong katabi ko. Kahit kailan talaga, mga isip bata tong mga to. Pero nakakatuwa silang panoorin.
Di din nagtagal ay nakita na din namin sila kaya nagsimula na kaming bumiyahe. This time, malayo na talaga yung iba-byahe namin. Kailangan naming sumakay ng bus tapos jeep tapos LRT.
Habang nasa bus kami, dun na kami nagsimulang maglagay ng kung anong pampaganda. Mabilis lang naman akong magayos kasi nakakatamad magkalikot habang nasa bus.
"Rei, pahiram naman ng pencil liner." agad din namang inabot ni Rei yung pencil liner niya kay Eeya.
"Babe, paayos naman ng wing ko." Jorie is pertaining to her eyeliner's wing. Niremedyuhan naman agad to ni Rei.
BINABASA MO ANG
FACEBOOK CHATMATE
Fiksi PenggemarI never thought that I will fall inlove with just chatting with him through internet. Like, it is so unformal! But since I cannot stop this feeling anymore, I might as well take the risk or just keep it to myself. After all, I'm just his mere FACEBO...