7

29 2 0
                                    

"So I decided to keep everything like this."


※※※※※


"Let's have a date today. And that is not a question." nanlaki yung mata ko sa sinabi niya. Ano daw?


"Parang pukneney to. Joke yun?" hinampas ko yung braso niya. "Wag ka nga. Batukan kita e." I pouted pero nakita ko lang siyang tumawa. "Bakit ka tumatawa?"


"Ang kulit mo kasi. Sarap mong lapirutin. Syempre di joke yun! Mukha ba akong nagloloko?" tinuro niya yung mukha niya at nilapit yun sa mukha ko. Kusang umatras yung mukha ko. Shete! Sobrang lapit ng mukha niya sakin!


"E a-ano kasi..."


"Tara na. Madami tayong gagawin." hinawakan niya yung kamay ko. Wait, yung kamay ko... hawak niya.


Pumara siya ng taxi na hawak padin yung kamay ko. Pinagbuksan pa niya ako ng pinto. Shet! Sobra ko na bang bait para mangyari sakin to?


"Uhm.. Arc? Ano gagawin natin?" ang awkward nito. Pukneney naman o.


Yung tingin niya. Shet. Bat ganon? Flower Shower! "Diba nga magde-date tayo?" he smiled. Shet! Double Flower Shower!


"G-ganon ba? Bakit?"


"Hahaha! Makulit ka talaga no?" ginulo niya yung buhok ko. "Secret ko nalang yun. Stay put ka lang." dumerecho ulit siya ng tingin.


Hindi ba masyadong mabilis to? Wala pa kaming isang linggo na magkakilaka tapos ngayon, sumama ako sa kanya makipagdate? Jusko ang landi ko naman ata? Pero kasi e! Ito na o? Pero hindi, ang landi ko talaga!


"A penny for your thoughts?" nabalik ako sa wisyo dahil sa gwapong lalaki na nagsalita.


"Walang penny sa Pilipinas. Piso meron." pambabasag ko. Natawa naman siya. Ano ba Arc? Wag ka nga ngumiti! Mamaya magustuhan na talaga kita e!


"Nako ikaw!"


"Aaaaah! Masakit!" pisilin ba naman pisngi ko? Ang sakit grabe! Tumigil lang siya kasi nasa tapat na pala kami ng mall.


"Tara na?" nagbayad na siya at lumabas na din kami. Hawak-hawak niya ulit yung kamay ko. Di ko tuloy maiwasan na mailang sa mga nakakakita sa amin. "Ano gusto mong kainin?"


"H-ha? Ano..." isip Yry. Yung madalas mo nalang kinakain. "Bibimbap nalang." I answered as fast as I can.


"Good choice. Tara na?" hinila niya ako paakyat habang hawak padin yung kamay ko. Nanatili akong tahimik kasi di ko alam kung anong gagawin at sasabihin ko. "Paborito mo ba yung Bibimbap?"

FACEBOOK CHATMATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon