"You will surely understand why."
※※※※※
Natuloy nga yung pagsali naming apat sa dance cover contest na yun. May two weeks pa naman kami para i-recall lahat ng steps namin at saka ito i-polish ulit bago yung mismong event.
We've been doing this for almost 2 years kaya naman gamay na namin ang isa't-isa. Sa aming apat, si Jorie ang pinaka mabagal sa pag-pick up ng steps. Samantalang si Rei naman yung katukayo ko sa pagsasayaw. Kami halos yung taga-turo at taga-polish ng sayaw. Hmm, si Eeya? Basta ayun, sumasayaw.
"Try mo iganto Jor, mas maganda tignan." nawala ako sa litanya nang marinig ko yung o so beautiful voice ni Rei. Inaayos niya yung galaw ni Jorie. "Yan. Yan. Teka isa pa. Energy Jor para makita ko kung may kulang pa." pinagmasdan ko si Jorie. Ang laki na ng in-improve nito two years ago. Dati ang puchu lang niya gumalaw, ngayon may dating na. Konting push pa.
"Lagi naman hindi sapat e. Lagi nalang kulang. Masakit na." napatingin ako sa huguterang si Eeya. Minsan lang lumabas yang side ni Eeya na bigla nalang siyang huhugot. Kaya asahan mo na pag bumira siya, matindi.
Binatukan ko siya. "Parang tanga Eeya. Ano nanaman nakain mo?"
"Nakakabadtrip kasi yung mga crush ko e. Kung hindi may mga girlfriend, mga bakla naman. Ano na nangyari sa mundo?" emote emote niyang sabi. Binatukan ko ulit siya. "Aray naman Ryry. Pag ako inatake ng pagka-sadista, gigilitan kita. Huhuhu! Yung beautiful face ko, di nila mapansin!" ang gaga talaga. Matapos mang threat, babalik ulit sa pagdadrama. Yung totoo? Pano ako nagkaroon ng tropa na abnoy?
"O tara na!! Last three guys. Doings, okay?" tumayo naman na kami ni Eeya at lumapit kila Rei para simulan na ulit yung rehearsals. Past nine na kami natapos kaya naman kumain lang kami at saka lumarga pauwi.
※※※
After 2 weeks.
Sabado. Araw na ng event.
"Ry nasan ka na?" bungad sakin ni Eeya na phone. Babyahe pa kasi kami papunta sa event.
Nagmamadali akong maglakad palabas ng village namin. Malapit lang din dun yung tatlo. Sa aming apat, ako lang ang nahiwalay ng village. Pero malapit lang din naman. "Ito na. Palabas na. Sama-sama na ba kayo nila Jorie?"
"Oo Ry. Nandito na kaming tatlo sa kanto. Bilis inday."
"Oo na ito na. Ayan! Nakikita ko na kayo." nakita ko silang tatlo na prenteng nakaupo sa kalsada. Mamaya pagkamalan pa silang pulubi jan. Haha.
"Ayan nakikita ka na namin. Juskoday, ten years!" nakita kong nagsitayuan na sila.
Natawa naman ako ng bahagya. "Loka. Sige na, baba ko na!" at pinatay ko na yung phone. Walang pang isang minuto at magakasama na kaming apat.
BINABASA MO ANG
FACEBOOK CHATMATE
FanfictionI never thought that I will fall inlove with just chatting with him through internet. Like, it is so unformal! But since I cannot stop this feeling anymore, I might as well take the risk or just keep it to myself. After all, I'm just his mere FACEBO...