6

40 2 1
                                    

"So deep that I'm afraid to lose it all."


※※※※※


**beep**


**beep**


**beep**


Ugh!!!! Sino ba tong chat nang chat! Nasa loob pa naman ako ng klase. Pero ang tanga ko din kasi nakalimutan kong i-silent yung cellphone ko.


Pero ang isa ko pang problema ay kung pano ko mababasa. Mukhang importante e. Sunod-sunod yung notification. Nasa loob siya ng bag ko at kailangan ko siyang makuha nang hindi nai-istorbo ang terror kong professor.


Hmmm...


Aha! Alam ko na!


**tunog ng nalaglag na ballpen**


"Oops, nalaglag ballpen ko. Hihihi" pabebe kong bulong para kunwari natural yung nangyayari. Para akong tanga. Asar.


Kinuha ko yung ballpen ko. Sinabay ko na din yung cellphone ko na nasa loob ng bag ko. Pagupo ko ng maayos ay tinago ko agad yung phone ko sa pagitan ng notebook ko. Binuksan ko ito para malaman kung sino yung nag-chat.


"Ahxhrucbsianx! Aaaaaaaack!!" pabulong kong sigaw. Halos mabaliw na ako sa kinauupuan ko nang tuluyan ko nang makita yung taong nagchat.


Arcane Kale: Hi Riri!


Arcane Kale: Di ka na nagreply nung nakaraan. Nasa school ka ba?


Arcane Kale: Riri!!!!


You: Nasa klase ako haha! Sorry nga pala nung nakaraan Arc. Napagod ako nun e. Andami naming ginawa ni mommy.

*seen*


Arcane Kale is typing...


Arcane Kale: San ka pala nagaaral?


You: Ah! Sa **toot** University. Ikaw? Naga-aral ka pa ba?

*seen*


Arcane Kale is typing...


Arcane Kale: Oo. Graduating na ako. Sa **toot** University naman ako.


You: Wow! Idol hahaha! Ano course mo?

*seen*


Arcane Kale is typing...


FACEBOOK CHATMATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon