"If you look in my eyes, there are a lot of messages for you."
※※※※※
To: Baby Aice ♡
"By? I miss you. Mwa! :*"
*sent*
Di na ako nakatiis at tinext ko na siya. Tatlong araw na siyang di nagpaparamdam e. Alam ko namang busy siya kasi internship na niya sa isang fine-dining restaurant pero kasi.. kahit isang text e wala akong natanggap sa loob ng tatlong araw. Pero tulad ng sabi niya, konting tiis nalang daw at matatapos na yung alloted hours ng OJT niya. Excited na ako sa date na promise niya sakin!
Tinitigan ko muna ulit yung text ko sa kanya bago tuluyang bumangon sa higaan ko. Walang pasok kaya naman kahit na medyo tanghali na ako bumangon e okay lang. Wala din namang masyadong iniwan na assignments yung mga professors ko kaya medyo hayahay ako.
"Yry!! Nak? Gising na." ayan na. Sinusundo na ako ng pinakamaganda kong mommy.
Sa mga di pa nakakaalam ng pangalan ko o kaya e alam na pero nahihirapan lang bigkasin, my name is Yry Azul Morris. 'Yry' as in 'ee-rie'. Yeah, tinipid ata nila mommy yung pangalan ko kaya ayun, kinulang sa vowels. Third Year Mass Communication student. Tama na siguro yang information na yan no? Nakakatamad mag-share e.
"Nak, bangon ka na jan. Nagiintay yung pagkain!" sigaw ulit ni mommy on the other side of the door.
"Ito na! I'm up! Hayaan mo na yang pagkain, mapapagod din yan sa kakahintay." sagot ko habang papasok na sa loob ng CR para gawin yung morning rituals ko.
"Ke aga aga, nahugot ka anak. Dyan ka na nga!" narinig kong papalayo na si mommy. Bahagya naman akong natawa sa conversation namin ni mommy.
Naturingang may boyfriend ako, pero ang bitter bitter ko. Haha. How ironic?
Ginawa ko na yung morning rituals ko like hilamos, tootbrush at suklay ng buhok. After nun ay bumaba na din ako. Sumalubong sakin si mama na nagluluto pa ng eggs at si Yvo, my little brother, na umiinom ng gatas.
"Good morning!" bati ko sa kanila sabay halik sa mga pisngi nila. Umupo na ako sa upuan ko at nagsimulang kumuha ng fried rice.
Nakita kong linagok ni Yvo yung gatas niya at tumitig sakin. Binigyan ko siya ng anong-problema-mo look. "Ate, nakita ko si Kuya Aice sa school kahapon. Sinundo niya si Candy pangit." sabay ismid nitong bubwit na to. Schoolmate niya yung little sister ni Aice pero unlike us, sila yung mortal na magkaaway.
"Yvo. Ilang beses kong sasabihin na masama ang mangpintas?" singit bigla ni mommy sabay lapag ng itlog sa mesa. "Bakit di ka nalang makipagkaibigan sa kanya. Ang cute kaya ni Candy." napansin kong umismid si Yvo.
Napailing nalang ako. Pero buti pa si Yvo, nakita si Aice. Ako jusko, mamamatay na sa sobrang pagka-miss sa kanya. Simula nung nagka-internship siya, ganto na ang sitwasyon namin. Di tulad ng dati, as in bantay sarado ako kay Aice. Minsan naiisip ko tuloy na baka may bago na siya.

BINABASA MO ANG
FACEBOOK CHATMATE
FanfictionI never thought that I will fall inlove with just chatting with him through internet. Like, it is so unformal! But since I cannot stop this feeling anymore, I might as well take the risk or just keep it to myself. After all, I'm just his mere FACEBO...