5

47 2 2
                                    

"As we get closer, the bond that we have is getting so deep."


※※※※※


"Aaaaaaaaaaaaah!" di ko napigilang tumili! Shet is this true?! Ohmyghat!!


Binasa ko ulit yung message.


Arcane Kale: Hi Yry! Congrats pala kanina.


Totoo ba talaga tong nakikita ko? "Aaaaaaaaaaa--ck"


"Ate! Ano nangyayari sayo?" inalog-alog ako ni Yvo. "Sumagot ka ate. Magsalita ka please. Speak up--"


"Aray ko Yvo! Pano ako magsasalita e sakop mo mukha ko?" pinunasan ko yung mukha ko. Baliw na bata to. Tama bang ihimod yung kamay sa mukha ko?


"Eh kasi naman ate e. Bat ka ba sumisigaw? Buti wala dito si mama. Baka mamaya inatake na yun sa ginawa mo." naka-cross arms at naka-ismid niyang sinabi.


"Ah wala wala. Sige na." inikot ko yung katawan niya at unti-unti siyang tinulak palabas ng kwarto ko. "Labas ka na. Gagawa pako assignments."


Madali lang siyang nagpatulak. Maliit lang din kasi si Yvo. "Sure ka ba? Walang nagre-rape sayo jan? Sabihin mo lang ate, susuntukin ko yan." nagsuntok-suntok pa siya sa ere. Bakit ang cute ng batang to?


"Peklat ka! May nakikita ka bang lalaki dito?"


"Oo, ako! Boy ako diba?"


"Ay kagigil ka! Sige na labas na you!" at tuluyan ko na siyang tinulak saka ko sinara yung pinto.


Tinakbo ko agad yung laptop ko. At tinignan ulit yung message niya.


Arcane Kale: Hi Yry! Congrats pala kanina.


Yry reply. Mag reply ka na!!! Wait, anong sasabihin kooo?


You: Hello. Thank you. Thank you din pala sa pagnood ng performance namin.

*seen*


Arcane Kale is typing...


Arcane Kale: Welcome. Ang galing galing mong sumayaw.


Tumakbo ako sa kama at dumapa sa mga unan ko. "Aaaaaaaaaaaaaaaaah!" konting ngisay lang tapos bumalik ulit ako sa harap ng laptop.


You: Ay haha! Salamat. Pero ang galing mo din sumayaw. Member ka pala ng Seven Scouts?

*seen*


Arcane Kale is typing..


FACEBOOK CHATMATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon