2

55 4 0
                                    


"I can't say it and I will keep it cause I'm not brave enough to tell it."


※※※※※


Maaga akong nagising para kumilos sa bahay bago man lang umalis dito. Baka mamaya, bulyaw ang abutin ko paguwi ko mamaya e. Kailangan ko munang magpalakas kay mommy.


Kaya ayun, naglinis ako ng kwarto ko, kwarto ni Yvo at kwarto ni mommy. Pinaliguan ko na din yung aso ni mommy tyaka pinakain yung hamster ni Yvo.


Pagkatapos kong gawin lahat, nagpahinga muna ako saglit sa higaan ko at kinuha yung phone ko. Ite-text ko lang yung mga babaita.


To: Rei Pinn, Jorie Poe, Eeya Quin

"Mga babaita, san magkikita?"

*sent*


Pagtapos ko mag-text ay pumasok na ako sa CR para maligo. At para sa isang normal na babae, natural nang matagal ako sa loob ng CR. Like shampoo, conditioner, daydream habang nakaupo sa inidoro and others. Kaya ayun, after almost 1 hour e natapos na din ako maligo.


I went to my in-tack wall closet at namili ng comfortable na damit. I chose something alternative. High waist jagger pants at black sleeveless crop top na may lion print. Kinuha ko na din yung jacket ko for added style.


Sunod kong pinuntahan ay yung harap ng salamin. Pinatuyo ko muna yung buhok ko and kept it slovenly laid down. Naglagay ako ng light make-up which is halata padin dahil sa maputi kong balat. Nag-spray ako ng perfume at kinuha na yung converse kong itim. Ready na ako.


Kinuha ko yung sling bag ko na ang laman lang ay pitaka habang hawak ko naman yung phone ko.


**beep**


I turned my attention to my phone. Jorie texted me.


From: Jorie Poe

"Twin! Sa tapat daw ng Baskin Robins magkikita-kita. OTW na kami."


Di na ako nagreply at dali-dali ding bumaba.


"Mama. Aalis na po ako! Mwa!" sabay halik ko kay mama. "Bye Yvo. Uuwian nalang kita ng pasalubong. Mwa!" sinunod kong halikan si Yvo. Dali-dali na akong lumabas ng bahay. Narinig ko pang sumigaw si Yvo.


"Gusto ko ate ng Lasagna ng Greenwich tapos Oreo Matcha McFlurry ah? Love you!" nag-sign nalang ako ng okay at saka sumakay sa pinara kong tricycle.


Medyo malayo yung mall sa bahay namin dahil bukod sa tricycle e sasakay ka pa ng isang jeep just to get there.


Di din nagtagal at nakasakay na ako ng jeep. "Ma, bayad ho. Isang Super Mall." I extended my hand pero walang umaabot nito. Nasa dulo pa naman ako ng jeep. "Pasuyo ho." nagulat ako nang bigla itong kuhanin ng katabi ko.

FACEBOOK CHATMATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon