Anika POV
Ano kaya yung masamang balita na sinasabi ni Kendra
"Ano yun?" tanong ko. Kinakabahan talaga ako
"Basahin mo to" sambit niya at agad na pinakita ang phone niya. Nasa timeline siya ng Churva Chika Page. At nagulat ako sa nakasulat dun at may picture pa
"Kapatid ng kilalang MVP player na si Anika Lopez. Nilalandi si Dale Mendoza na kilalang campus heartthrob. Ano kayang masasabi dito ni Samantha Perez"
Hala! Grabi naman to! Nakakahiya. Hindi ko naman siya nilalandi ah. Tinignan ko ang mga comments at shett ang sasakit ng mga sinasabi nila saakin. Bigla naman akong may narinig na nag uusap sa kabilang table.
"Ang landi niya"
"Hindi naman maganda, tapos kung makalandi wagas"
"Hindi na nahiya kapatid pa naman siya ni Baby Josh ko"
"Lagot siya kay Samantha hahaha"
"Wait lang ah, haharapin ko lang yung mga yun" sambit ni Kendra at susugudin na sana niya yung mga yun kaso pinigilan ko siya
"Wag na, hayaan mo nalang sila" sambit ko
"Pero hindi tama yun. Hindi naman nila alam ang buong kwento eh kaya wag sila nangengealam dito" inis niyang sabi
"Okay lang. Wag nalang natin pansinin" sambit ko. Wala naman na siyang nagawa at sinunod nalang ako. "Tara punta nalang tayo sa classroom" sambit ko
Habang naglalakad kami di ko maiwasang mailang dahil halos lahat ng madadaanan namin pinagtitinginan ako.
Pagkarating namin sa classroom pumunta na ako sa upuan ko at nagbasa nalang ako ng libro. Buti nalang at si hindi si Sir Macky ang teacher namin kaya hindi ko katabi si Dale.
Dumating narin ang apat. Hindi tuloy ako makatingin sakanila ng maayos dahil sa nakasulat dun sigurado nabasa na nila yun. Dumating narin si Ma'am Claire at nagdiscuss nagpagawa lang siya ng activity at umalis na dahil may kailangan pa daw siyang tapusin.
Free time namin kaya kinausap ako nila Josh.
"Nabasa ko na yung nasa page. Wag mo nalang silang pansinin" sambit niya. Halatang nag aalala siya para saakin
"Oo sorry" sambit ko
"Ayus lang yun. Alam ko naman na hindi totoo yung mga andun eh" sambit niya at bumalik na sa upuan niya
Parang ang weird ng feelings ko. Hindi ako pinapansin ngayon ni Dale. Siguro dahil dun sa nakasulat sa page ng Churva Chika.
Hay! Naiintindihan ko naman ehh. Baka nga may masabi si Samantha. Ohh baka naiinis siya saakin dahil dun."Uyy, ayus ka lang?" nagulat ako sa nagsalita si Kean pala. Wow ah himala pinansin niya rin ako. Hindi niya na kasi ako pinapansin simula ng magbago ang ugali niya. Yeah! Oo mabait talaga siya dati hindi siya pala away at basagulero. Ewan ko nga kung bakit siya nagbago eh.
"Ayus lang ako, wag na kayong mag alala" sambit ko sabay pilit na ngiti sakanya para hindi na siya mag alala
"Kilala kita at alam ko kung kailan ka okay at hindi. Halika sumama ka saakin" sambit niya at agad akong hinila kaya wala na akong nagawa
Dinala niya ako sa lugar na pamilyar saakin dito ako pumupunta nung kapag ako'y malungkot. Namiss ko tuloy to bigla. Dito kasi kami lagi pumupunta ni Kean nung elementary pa kami. Sa playground
"Alam kong ito lang ang pwedeng magpagaan ng loob mo" sambit niya at ngumiti. Natouch naman ako dun kasi kahit papaano naalala niya parin pala to
"Salamat at naaalala mo pa pala to" sambit ko
Bigla niya naman ako hinila sa duyan at nagduyan kami pagkatapos nagslide din kami. Ang saya lang kasi para kang bata yung walang problema at walang ibang alam kung maglaro at magsaya.
Pagkatapos namin maglaro sa playground. Pumunta naman kami sa may mga nagbebenta ng street foods. Namiss ko rin to ang tagal ko ng hindi nakakakain nito eh. Kumuha lang ako ng fishballs, kikiam at softdrinks syempre para may pangpatunaw.
Pagkatapos namin kumain bumalik na kami sa school at pumunta ng classroom. Pagpasok ko nagulat ako sa nakita ko.
Andito na siya! Bumalik na siya!

BINABASA MO ANG
Kung Ako Ba Siya
Teen FictionMinsan hindi mo maiwasan itanong sa sarili mo na, KUNG AKO BA SIYA -mapapansin mo KUNG AKO BA SIYA -mamahalin mo ANO BANG MERON SIYA, NA WALA AKO? Yan lang naman ang mga paulit ulit na tanong ko sa sarili ko