Anika POV
She's back
Ohhhmmyyy andito naba talaga siya."Ohh look girls andito na pala si Anika yung nanlalandi sa BOYFRIEND KO. Nawala lang ako sandali may makapal na mukha na ang nanlalandi sa BOYFRIEND KO!!" sambit niya, caps lock pa talaga yung boyfriend ko para damang dama.
"Yah, nawala kalang sandali sinamantala na niya. Akala niya siguro papatulan siya ni Dale!! Asa naman siya. Ambisyosa!! " sambit ni Trixie yung alipores 1 niya
"Ganyan talaga pag desperada na!!" sambit ni Audrey alipores 2
"Tumigil na nga kayo" inis na sabi ni Kean
"Why Kean? Bakit mo siya pinagtatanggol? Don't tell me nalandi kana rin niya" sambit ni Samantha
"Pwede ba tumigil na kayo. At para sa kaalaman niyo, hindi nilalandi ni Anika si Dale dahil hindi siya katulad niyo mga malalandi" sambit ni Kendra
"How dare you!!!" galit na sigaw ni Trixie at sasampalin na sana si Kendra
"Sige sampalin mo ako!!! Parang pinatunayan mo narin na totoo lahat ng sinabi ko" sambit ni Kendra
"Wag niyo ng patulan girls dahil hindi natin sila kalevel" sambit ni Samantha. Lumapit siya saakin at may binulong "Kilalanin mo kung sino ang pwede mong makalaban kapag nilandi mo pa siya bitch!" sambit niya sabay ngisi
Umalis na sila. Naiwan naman kaming tatlo dito sa classroom.
"Hay nako! Wag mo nalang silang pansinin mga walang magawa lang sa buhay yung mga yun" inis na sabi ni Kendra
"Tama si Kendra, wag mo nalang sila pansinin. Bitch lang talaga yung mga yun" sambit ni Kean
"Ayos lang, naiintindihan ko naman sila eh" sambit ko at ngumiti sakanila. Umalis na si Kean.
Pumunta muna kami ni Kendra sa Mall. May bibilhin kasi ako peace offering para kay Dale. Ohh hayaan niyo na ako ehh tanga ako ehh. Kaya ako nalang ang bibili ng peace offering para sakanya. Alam ko kasi na naiinis siya saakin dahil dun sa nakapost. I understand him because I love him so much.
Pagkarating namin sa mall pumunta na kami agad sa penshoppe. Namili ako ng tatlong tshirt. Pagkatapos namin bumili kumain muna kami sa KFC. Pagkatapos umuwi na kami.
"Hi mommy. Akyat na po ako" sambit ko
"Hindi kaba kakain muna?" tanong niya saakin
"Hindi na po. Kumain na po kami ni Kendra sa mall kanina" sambit ko. Umakyat na ako sa kwarto ko at nagshower na.
Pagkalabas ko ng banyo nagulat ako kasi andun pala si Josh. Nagulat nalang ako kasi hawak niya yung binili kong damit para kay Dale.
"Para kanino to?" tanong niya saakin.
"Para saakin. Bakit?" pagpapalusot ko
"Sayo? Sure ka? Alam ko hindi to para sayo. Pang lalaki eh!! Para kay Dale to noh" sambit niya nakakatakot ang tingin niya
"Oo p-para kay D-dale nga" nauutal kong sambit
"Bakit mo naman siya bibigyan? Para saan yan" tanong niya
"Peace offering ko sana sakanya. Dahil alam kong galit siya saakin dahil sa nakapost tungkol saamin" sambit ko
"Hindi mo naman ginusto yun ah. Hindi mo to ibibigay sakanya" sambit niya
"Huh? Sayang naman" sambit ko sabay paawa effect
"Edi saakin nalang. Libre mo nalang to saakin. Okay! Wag kanang kumontra" sambit niya sabay kuha sa tshirt at umalis na. Naiwan naman akong nakatulala dito. Wow ah ang galing talaga nung lalaking yun.
Bahala na jan kung paano ako makakapag sorry kay Dale. Natulog nalang ako. Kinabukasan maaga ako gumising. Sinama ko si Laffy magjogging. Lumibot lang ako sa buong village. Nagbalik na kami sa bahay at gising narin yung mokong na yun.
"Hoy! San ka galing?" sambit niya
"May pangalan ako noh" sambit ko sabay irap sakanya
"Okay! San ka galing Anika?" sarcastic niyang sabi
"Nagjogging" sambit ko "Mommy wala po bang baked mac?" tanong ko kay Mommy
"Sorry Baby, eto kasing kambal mo gusto ng bacon. Lagi nalang daw baked mac eh" sambit niya
"Hindi kaba nagsasawa sa baked mac? Puro ka nalang baked mac eh" sambit ng magaling kong kakambal
"Wala kang pake! Favorite ko yun eh" sambit ko sabay irap ulit sakanya. Nakakainis talaga siya kahit kailan. Kumain nalang ako. Pagkatapos umakyat na ako sa kwarto para maligo at magbihis.
Bigla nalang may nagtext
From: Unknown
Pumunta ka mamaya sa parking lot. Dapat andun kana ng 5:00. Maghihintay ako.

BINABASA MO ANG
Kung Ako Ba Siya
Novela JuvenilMinsan hindi mo maiwasan itanong sa sarili mo na, KUNG AKO BA SIYA -mapapansin mo KUNG AKO BA SIYA -mamahalin mo ANO BANG MERON SIYA, NA WALA AKO? Yan lang naman ang mga paulit ulit na tanong ko sa sarili ko