■Chapter 8■

21 2 0
                                    

Anika

Pagkadating ko sa parking lot hinanap ko na siya agad. Pagdating ko nakasimangot siya.

"Ang tagal mo!! Kanina pa ako naghihintay dito" inis niyang sabi

"Sorry napasarap yung tambay ko dun sa Starbucks eh" sambit ko sabay ngiti. Sumakay na ako agad sa kotse ayaw kong masigawan eh kaya sumakay nalang ako agad hahaha.

Tahimik lang kami hanggang sa makarating sa bahay ni Kendra. Lumabas na ako, naiwan siya sa loob ng kotse. Nagdoorbell na ako at sinalubong ako ng katulong nila.

"Ano pong kailangan niyo" sambit ng katulong nila

"Anjan po ba si Kendra? May kukunin lang po ako sakanya" sambit ko. Pinapasok naman nila ako. Nag abang lang ako sa sala. Actually mayaman sila Kendra. Sila ang may ari ng Casino Rimes.

Bumaba na si Kendra at inabot saakin yung notebook niya.

"Mag meryenda ka muna" aya niya saakin.

"Hindi na, nagmeryenda na ako tsaka naghihintay si Josh sa labas" sambit ko

"Whuttt!! Bat di mo man lang siya pinapasok?" sambit niya, kinikilig siya na naiinis hahaha

"Ayaw niya rin naman pumasok eh. Tsaka di naman kami magtatagal" sambit ko. Lumungkot naman yung mukha niya "Wag ka mag alala bawi ako next time" sambit ko

"Asahan ko yan ah" excited niyang sabi. Ngumiti at tumango nalang ako. Hinatid niya ako sa labas, syempre gusto niya makita si Josh para-paraan yan eh.

Nagpaalam na ako sakanya. Pumasok na ako ng kotse sinabihan ko si Josh na magbabye din kay Kendra. Yung una ayaw niya pero ginawa niya rin naman. Ambagel siya noh choosy pa ehh. Inopen niya yung bintana

"Bye Kendra" sambit niya. Si Kendra naman kilig na kilig hahaha. Umalis na kami. Pagkarating namin sa bahay dumiretso na ako sa kwarto ko.

Humiga agad ako di ko namalayan nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako ng may kumatok. Inopen ko yung pintuan siya siya ang bumungad saakin

"Dinalhan kita ng dinner, ako nagluto niyan" sambit niya at diretsong pumasok sa loob

"May sakit kaba?" nagtataka kong tanong

"Porket ang bait ko may sakit agad di ba pwedeng normal ko na to" sambit niya

"Hindi na normal yan, abnormal!!" sambit ko sabay tawa hahaha! Edi wag ka tumawa kung ayaw mo

"Akin na nga yang pagkain na dinala ko" inis niyang sabi

"Eto naman hindi mabiro" sambit ko. Kumain na ako. Siya busy na nanunuod ng NBA sa kwarto ko. Sosyal ko noh may flat screen TV sa kwarto.

Pagkatapos ko kumain binaba ko na ang pinagkainan ko. Hinugasan ko narin yun. Pagkatapos pumunta ako sa kwarto ni Mommy. Kumatok ako, pinapasok niya naman ako agad

"Bakit baby may problema ba?" nag aalala niyang tanong

"Wala po mommy. Miss lang po kita" sambit ko sabay yakap ng sobrang higpit

"Naglalambing ang baby ko. May ibibigay pala ako sayo pinapabigay ng ninang mo sa Korea" sambit niya sabay abot saakin ng paper bag.

Binuksan ko yun. Shettt!! Ang saya ko 8 na tsirts yun solo member ng BTS ang nakatatak ohhmyyy andun si Jin, Suga, J-hope, Rapmonster, Jimin, Taehyung at Jungkook. Tapos yung isa yung silang lahat na. Shettt ang saya!! Thank you ninang I Love you! Sana sa susunod concert ticket naman hahaha!!

Niyakap ko ulit ng sobrang higpit si Mommy tapos kiniss. Lumabas ako sa kwarto niya na sobrang saya shettt!! Pagkapasok ko sa kwarto andun parin siya.

"Why are you still here?" tanong ko. Ohhh taray diba naka english nagpapractice na para pag nakita ko ang BTS hahaha

"Wag ka nga mag english, may paguusapan lang tayo" sambit niya

Huh? Oo nga pala may pag uusapan kami. Ano naman kaya yun? Parang kinakabahan ako na ewan. Bahala na nga jan.

Kung Ako Ba SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon