Anika
Kinabukasan tanghali na akong nagising. Humarap ako sa salamin at tama nga ako namumugto ang mata ko. May kumatok sa pintuan.
*tok tok tok
"Pwede ba akong pumasok Anika" sambit ni Josh, pinapasok ko siya. Alam ko na kung bakit siya andito "Sinabi na saakin lahat ni Mommy ang nangyari kahapon" sambit niya, tama nga ako yun ang dahilan niya
"Josh, hindi madali magpatawad" sambit ko. Nakakainis naman ang aga aga eh
"Alam ko naman yun eh. Pero nagawa ko parin siyang patawarin dahil ama parin natin siya" sambit niya
"Sige magpapatawad ako pero hindi ngayon. Dadating din ang tamang panahon para jan" sambit ko, hindi na siya umimik. Lumabas na siya
Bumaba narin ako para mag almusal. Wala si Mommy sigurado nasa resort namin yun inaasikaso ang mga bagay bagay. Kumain na ako. Tapos pumunta ako sa playground malapit sa village namin. Umupo lang ako sa duyan.
"Ate Anika?" muntik na akong mahulog dahil sa gulat sakanya
"Anong ginagawa mo dito Sandra" sambit ko. Siya yung kapatid na babae ni Dale. Maganda siya at mabait
"Hmm si Kuya at Daddy kasi nag aaway nanaman kaya umalis nalang muna ako dun sa bahay" sambit niya "Pwede bang dito muna ako?" tanong niya
"Ah ganun ba, sige dito ka muna" sambit ko. Ngumiti naman siya agad ng napakalawak. Tumambay lang kami dun hanggang sa makaramdam na kami ng gutom. Pumunta kami sa mga nagbebenta ng mga streetfoods. Nangmakabili kami humanap na kami ng pwesto para kumain. Nang biglang may bumusina saamin.
"Andito kalang pala Sandra" sigaw niya
"Sorry Kuya, tara kain" sambit ni Sandra. Ohhmyyygoddd si Dale andito. Umupo siya dun sa tabi ni Sandra kaya magkaharap kami ngayon
"Pasensya kana Anika dito sa kapatid ko. Naistorbo kapa tuloy" sambit niya
"Ayos lang yun, nag enjoy naman akong kasama siya eh" sambit ko
Bumili din si Dale ng pagkain niya. Ang dami namin nakain kaya busog na busog tuloy ako. Nauna ng umalis si Sandra may pupuntahan pa daw kasi siya. Ako eto tahimik lang at tulala sakanya.
"Hoy Anika ayos kalang?" bumalik ako sa sarili ko ng magsalita siya
"Ahh oo ayos lang" sambit ko
"Ano yung sinasabi ko?" tanong niya
"Sorry, ano ba yun" nahihiya kong sabi
"Tinatanong kita tungkol dun sa role play natin kay Ma'am Diana" sambit niya
"Ahh yun ba. Ang alam ko, bukas na tayo magnonominate kung sino yung mga kasama dun" sambit ko
"Ganun ba, tara na ihahatid na kita. Mag gagabi na eh" sambit niya. Nalungkot naman ako bigla dun. Hahaha akala ko magkasama din kaming matutulog eh. Charr!!
"Oo nga" sambit ko. Hinatid na niya ako. Pinapasok ko muna siya sa loob ng bahay.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Josh. Parang sakanya naman tong bahay
"Bakit sayo ba tong bahay" sambit ni Dale
"Oo anak ako ng may ari neto eh" sambit niya. Hayss para silang mga babae. Mga bading hahaha!
"Anak din ako ng may ari neto kaya may karapatan din ako kung sino ang pwede ko papasukin dito" mataray kong sabi, hahaha kala mo Josh magpapatalo ako sayo ah
"Tumigil na nga kayong dalawa para kayong aso't pusa. Ohh Dale andito ka pala, dito kana magdinner" biglang sambit ni Mommy
"Oo nga---" di ko na natuloy yung sasabihin ko dahil biglang sumabat si Josh
"Mommy nagmamadali po kasi si Dale pinapapunta na po siya ng Daddy niya dun" sambit ni Josh at tinulak na palabas si Dale
Alam ko naman na sabi sabi niya lang yun para di ko makasabay si Dale sa dinner. Haysss!! ang epal niya talaga kahit kailan. Panira!! Chance ko na yun eh. Dinner with him!! Awttsss naudlot pa. Kumbaga yung pera naging bato pa. Kainis naman!! Pagkapasok niya hindi ko siya pinansin. Kumain na ako at umakyat na sa kwarto at natulog na.
3rd Person POV
"Nakakainis pre!! Kailan mo ba gusto magpakilala sakanya?" naiinis na sambit ng binata sa kasama niyang binata
"Kunting tiis nalang Pre!! Magpapakilala narin ako sakanya" sambit ng kasama niyang binata
"Dapat lang, para may kakampi narin ako dito" sambit ng binata
Tinawanan lang siya ng kasama niyang binata. Naiinis siya dito kaya binato niya ito ng empty bottles pero tuloy parin sa pagtawa ang kasama niyang binata.
BINABASA MO ANG
Kung Ako Ba Siya
Teen FictionMinsan hindi mo maiwasan itanong sa sarili mo na, KUNG AKO BA SIYA -mapapansin mo KUNG AKO BA SIYA -mamahalin mo ANO BANG MERON SIYA, NA WALA AKO? Yan lang naman ang mga paulit ulit na tanong ko sa sarili ko