Joshua
Kinausap ako ni Anika, sinabi niya na dapat kong sabihin kay Kendra ang tungkol saamin ni Kelly. Hindi naman kasi ako manhid para hindi ko mapansin na may gusto saakin si Kendra pero anong magagawa ko eh hindi ko kayang suklian yung pagmamahal na binibigay niya saakin.
Tinext ko siya na magkita kami sa cafeteria malapit sa school namin. Nauna na ako dun at hinintay siya. Ilang minuto ang nakalipas dumating narin siya.
"Josh, bakit mo ako pinapunta dito?" abot langit niyang ngiti
"May gusto kasi akong sabihin sayo" pagkasabi ko nun parang bigla siyang nagtaka "Pero bago yan mag order muna tayo" sambit ko
"Oo nga eh" tipid niyang sabi.
Nag order na kami. Nang dumating ang order namin ininom ko na agad yun dahil sa totoo lang di ko alam kung paano ko sasabihin kay Kendra yun. Dahil kahit papaano may care parin ako sa feelings niya.
"Hmm Josh ano na pala yung sasabihin mo?" bigla niyang tanong
"Ipangako mo muna na magiging maayos ka parin" pagkasabi ko nun bigla siyang kinabahan
"Bakit may masama bang nangyari?" nag aalala niyang tanong
"Wala, ano kasi hmmm" sambit ko
"Ehh ano nga yon?" tanong niya
"Hmmm k-kami na n-ni Kelly" nauutal kong sabi
Natahimik siya bigla, at maya maya bigla nalang siyang umiyak. Pupunasan ko sana ang mga luha niya ng pigilan niya ako.
"Thank you for being honest to me. Thank you kasi kahit papaano inaalala mo parin kung anong pwede kong maramdaman. Pero sa totoo lang sobrang sakit pero anong magagawa ko diba? Wag kana mag alala saakin magiging maayos din ako. Congrats nalang sainyo ah" umiiyak niyang sabi kahit anong punas niya hindi parin tumitigil ang pagluha niya
"Sorry kung nasaktan kita" sambit ko at niyakap ko siya. Ngunit inalis niya iyon agad
"You don't need to do that!! Hindi mo naman kasalanan kung patuloy parin akong umaasa sayo eh kasi hindi mo naman mapipilit ang sarili mo na mahalin ang taong hindi mo mahal diba?" sambit niya "I will miss you Josh. Always take care huh" pagkasabi niya nun umalis na siya agad
Nasasaktan ako para kay Kendra. Kaibigan siya ng kapatid ko kaya ayaw ko rin siyang nakikitang nasasaktan lalo na ang dahilan ako. Pumunta na ako sa school at dumiretso na ako sa classroom namin. Tinignan agad ako ni Anika, sigurado nag aalala siya. Hindi ko naman nakita si Kendra siguro hindi siya papasok ngayon dahil sa nangyari kanina.
"Pre anong plano mo?" biglang tanong ni Dale
"Para saan?" tipid kong tanong
"Wala ka man lang bang paparty jan huh!!" singit naman ni Jerico "Gusto ko yung maraming chix ah" pagkasabi niya nun binatukan siya agad ni Kean
"Hoy ikaw puro chix nasa isip mo!! Di mo kami gayahin nila Dale tahimik lang pagdating sa babae" sambit ni Kean
"Nahiya naman ako sayo!! Diba nga galawang hokage ka kay Anika" sambit ni Jerico, binato naman siya agad ni Kean ng libro "Tignan mo to!! Masyadong guilty" sabay tawa pa niya
"Hoy wag niyong mapagtripan dito si Anika kundi ako makakalaban niyo!! Tsaka lahat ng gustong pumorma sa kapatid ko kikilatisin ko muna" seryoso kong sabi. Yeah! Super protective ako sakanya.
"Wag ka mag alala Josh, wala kaming balak na pagtripan si Anika" sambit naman ni Dale. Wow ahh edi siya na
Napa "whoaa" nalang kaming tatlo sakanya. Lumapit naman saakin si Anika kaya umalis muna yung tatlong abnoy na lalaki.
"Josh nasabi mo na?" tanong niya
"Oo" tipid kong sagot. Eto na sasabihin ko na kay Anika yung nangyari.
"Anong sabi niya?" tanong niya ulit
"Hmm nagpasalamat siya kasi naging honest daw ako at inaalala ko ang pwede niyang maramdaman" sambit ko "Pero sobra ko siyang nasaktan eh"
"Ganyan talaga eh, anong magagawa natin minahal ka niya pero iba ang iyong mahal" sambit niya
"Sigurado iiwasan na niya ako kaya pwede pag nagkita kayo pakisabi sorry" sambit ko
"Ohh sige" tipid niyang sabi at umalis na
Hinintay namin dumating si Ma'am Diana
BINABASA MO ANG
Kung Ako Ba Siya
Teen FictionMinsan hindi mo maiwasan itanong sa sarili mo na, KUNG AKO BA SIYA -mapapansin mo KUNG AKO BA SIYA -mamahalin mo ANO BANG MERON SIYA, NA WALA AKO? Yan lang naman ang mga paulit ulit na tanong ko sa sarili ko