◆Chapter 11◆

11 1 0
                                    

Kendra

Ang sakit mismong marinig sa taong mahal mo na meron na siyang nililigawan parang biglang gumuho ang mundo ko. Ang masakit pa alam yun ng bestfriend ko. Nagdadrive ako ngayon at hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Nagpark ako sa bar nila Kean. Nag order lang ako ng beer hanggang sa makarami ako. Nagulat ako ng makita ko ang taong ayaw ko makita.

"Kendra iuuwi na kita, lasing na lasing kana oh" sambit ni Anika

"Wag mo nga akong pakelaman!!" sigaw ko sakanya

"Please let me explain" sambit niya

"No need to explain malinaw naman saakin ang lahat eh. Mas gusto mo si Kelly para sa kambal mo at malinaw na saakin na kahit kailan hindi ako kayang mahalin ni Josh" sambit ko at tuluyan nang tumulo ang mga luha ko

"Hindi sa gusto ko si Kelly pero Kendra tanggapin mo nalang siguro na hindi siguro kayo ni Josh ang para sa isa't isa dahil si Kelly ang gusto niya at hindi ikaw. Kaya kahit gustuhin kita para kay Josh wala akong magagawa" sambit niya na kinainis ko

"Edi tanggapin mo narin na kahit kailan di ka magugustuhan ni Dale. Dahil hindi ikaw ang mahal niya dahil ang mahal niya si Sam pero eto ikaw nagpapakatanga. Alam mo naman na wala kang pag asa pinagsisiksikan mo pa yung sarili mo sakanya at umaasa ka na mababalik niya yung pagmamahal na binibigay mo sakanya. Siguro nga hindi rin kayo para sa isa't isa dahil iba ang mahal niya at hindi ikaw yun at never magiging ikaw!!" sigaw ko sakanya. Di ko na napigilan sarili ko "Kaya wag mo akong pakelaman!! Dahil kung ikaw kaya mong magpakamartyr pwes ako hindi"

"Alam ko galit ka saakin pero wag mo naman sana ipamukha lahat saakin yan" naiiyak niyang sabi " Sige kung yan gusto mo ibibigay ko sayo" sambit niya at tuluyan ng umalis

Ano ba yang nasabi mo Kendra! Dahil sa ginawa mo pwedeng mawala sayo ang bestfriend mo. Nawala yung lasing ko kaya nakaya kong magdrive pauwi. Pagkauwi ko dumiretso ako sa kwarto at natulog.

Kinabukasan ang sakit ng ulo ko dahil sa hangover. Bumaba ako at nag almusal. Naiinis ako sa sarili ko. Oo galit ako kay Anika pero mali ang nagawa ko dapat hindi ko yun sinabi sakanya sigurado ako na nasaktan ko talaga siya ng sobra.

Pupuntahan ko siya sa bahay nila at magsosorry ako. Kahit ipagtabuyan niya ako ayos lang. Naligo na ako at nagbihis then nagmadali na akong pumunta sa bahay nila.

Nagdoorbell ako at sinalubong ako ni Tita Anne yung mommy nila.

"Tita anjan po ba si Anika?" sambit ko

"Oo anjan siya. Pasok ka" sambit niya pumasok na kami. Umupo ako sa sala at tinawag na ni Tita si Anika. Akala ko hindi siya bababa.

"Anong ginagawa mo dito?" malamig niyang sabi

"Gusto ko sana magsorry sa lahat ng nasabi ko sayo kahapon. Nadala lang ako ng galit ko" sambit ko

"Naiintindihan ko naman eh kung galit ka pero yung ipamukha mo saakin yun parang di na fair eh" sambit niya

"I know, so please patawarin mo sana ako. Gagawin ko ang lahat mapatawag mo lang ako" sambit ko

"Wala kang kailangan gawin dahil pinapatawad na kita. Alam mo naman na di kita matitiis eh. Sorry din" sambit niya at nagyakapan kami ng sobrang higpit.

Ayaw ko ng mag away ulit kami. Pumunta kami ni Anika sa mall. Bumili lang kami ng shawarma tapos nagwindow shopping lang kami.

"Anika sila ba yon?" sabay turo ko sa mga nakita ko nakatalikod sila

"I'm not sure" sambit niya

Pero biglang lumingon yung mga yun kaya nakita namin

Sila

Kung Ako Ba SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon